Rafael Hechanova

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Upang basahin ang artikulong ito sa Ingles, tingnan ang Rafael Hechanova.

Si Rafael "Paing" Hechanova (8 Hulyo 1928 - 26 Agosto 2021) ay isang Pilipinong basketbolistang lumahok sa 1952 Olympics sa Helsinki, Finland.

Kapanganakan at Karera

Ipinanganak si Hechanova sa Jaro, Iloilo noong ika-8 ng Hulyo, 1928. Nagsimula siyang maglaro matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Naging bahagi siya ng koponan ng Unibersidad ng Santo Tomas sa pamumuno ni coach Herminio Silva sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP). Kinilala siyang Mr. Basketball ng Philippine Sportswriters Association noong 1951 matpos magwagi ng UST sa UAAP, National Inter-Collegiate at National Senior. Naglaro rin si Hechanova para sa mga koponan sa volleyball at golf ng UST.

Naging bahagi ng Philippine Men's National Basketball Team si Hechanova, na nagwagi ng ginto sa Asian Games noong 1951 at 1954. Naging bahagi rin siya ng koponan na lumahok sa 1956 Olympics sa Helsinki. Makakasali rin dapat siya sa koponan na sasali sa 1954 FIBA World Championship ngunit nagdesisyon nang magretiro si Hechanova at maging isang arkitekto. Naglaro rin siya para sa YCO Painters sa Manila Industrial and Commercial Athletic Association (MICAA).

Kinalaunan ay naging bahagi si Hechanova ng MICAA bilang isang opisyal nang sumali sa liga ang Concepcion Industries. Naging tagapangulo siya ng liga. Naging bahagi rin siya ng inaugural board of governors bilang second vice president nang nabuo ang Philippine Basketball Association(PBA) noong 1975. Naging bahagi siya ng National Basketball Hall of Fame noong 2000. Noong 2002, isa siya sa mga nagkaroon ng papel sa pagkakaroon ng Philippine Olympians Association (POA) at nagsilbi bilang chairman nito.

Personal na Buhay

Ikinasal si Hechanova kay Mely Conception. Mula 1996 hanggang 1998, naging bahagi si Hechanova ng Rotary International bilang direktor nito. Namatay si Hechanova noong ika-26 ng Agosto 2021 sa edad na 93.

Mga Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.