Radon

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang radon (Ingles: radon, binibigkas sa Ingles bilang /rey-don/, may sagisag na Rn, atomikong bilang na 86, atomikong timbang na 222, punto ng pagkatunaw na 71 °C, punto ng pagkulong 61.8 °C, espesipikong grabidad na 4 sa anyong buo o solido, balensiyang 0, at kalahating buhay na 3.823 mga araw) ay isang elementong gas na nabubuo sa pamamagitan ng pagkakawatakwatak o pagkakalansaglansag (disintegrasyon) ng elementong radyum. Katangian nito ang pagiging walang kulay ngunit radyoaktibo, at hindi kumikilos o walang galaw. Natuklasan ito ni Friedrich Ernst Dorn noong 1900. Nagagamit ito sa radyoterapiya at sa pananaliksik ng pagpapalabas ng mga neyutron.