Radiation Text Message

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Radiation Text Message ang ibinigay na pangalan ng pahayagang Sun Star sa mga text message na kumalat noong ika-12 hanggang ika-14 ng Marso 2011, kasagsagan ng mga ispekulasyon tungkol sa posibleng nuclear meltdown sa mga power plant ng bansang Hapon dahil na rin sa pinsalang dinulot ng tsunami.

Ipinahayag ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na ang ganitong mga mensahe ay hindi nakatutulong sa pagharap sa isang sensitibong sitwasyon.[1] Nilinaw naman ni Presidential Strategic Planning Secretary Ricky Carandang na walang katotohanan sa mga kumakalat na text, kahit na pinalalabas ng mga nagpapakalat nito na galing ang impormasyon sa mga respetadong institusyon.[1]

Sa Polytechnic University of the Philippines (PUP), sinuspinde ng Presidenteng si Dante Guevarra ang mga klase dahil sa aniya ay pagdagsa ng mga tawag at mga mensahe ng mga magulang na nag-aalala sa kalagayan ng kanilang mga anak.[1]

Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.