Quirino

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang Quirino ay magubat na lalawigan sa Rehiyon II. Ang pangalan ng lalawigang ito ay hinango sa pangalan ng dating Pangulong Elpidio Quirino, ang ikaanim na Pangulo ng Pilipinas. Ang kabesera ng lalawigang ito ay Cabarroguis.

Heograpiya

Binubuo nang 2,486 kilometro kuwadrado ang buong lalawigan ng Quirino, na nasa hanggahan ng Aurora sa timog-silangan, Nueva Vizcaya sa kanluran, at Isabela sa hilaga. Ang lalawigan ng Quirino ay dating bahagi ng lalawigan ng Nueva Vizcaya hanggang sa ito ay humiwalay noong 1966. Bulubundukin ang lalawigang ito. Ang Quirino na may anim na munisipalidad, isang distriktong Pambatasan at 110 barangay.

Demograpiya

Ang populasyon ng Quirino ay mayroong 148,575 noong 2000.

Wika

Ilokano ang wikang ginagamit ng 71.46 porsiyento ng populasyon. Ang ibang wika ay Ifugao, Bungkalot, Pangasinense at Kankanay.

Industriya

Agrikultura ang pangunahing industriya nito. Ang mga pananim tulad ng bigas at mais ang pangunahing produkto bilang tugon sa pangangailangan ng mga tnaninirahan sa mga karatig pook at sa metropolis.

Ang Quirino ang nangungunang pinanggagalingan ng produktong saging sa Rehiyon II. Kilalang kilala ang lalawigan sa produkto nitong “banana chips.”

Ang maliliit na industriya tulad ng paggawa ng muwebles at paggawa ng basket ay lumalaganap na sa buong lalawigan.

Panlabas na Kawing

Wow Philippines Website

Sanggunian

  • Quirino Quirinoprovince (hinango noong 5 Nobyembre 2007)
  • Quirino QUIRINO's POPULATION EXPECTED TO DOUBLE IN TWENTY SIX YEARS, 18 Pebrero 2002 (hinango noong 5 Nobyembre 2007)


Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.