Quezon Memorial Circle

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search
Estatwa ni Pangulong Manuel Quezon na sumasalubong pagpasok sa Quezon Memorial Circle

Ang Quezon Memorial Circle ay isang pambansang liwasanan at dambana na matatagpuan sa Lungsod ng Quezon, ang dating kabisera ng Pilipinas (1948–1976). Matatagpuan sa gitna nito ang musuleyo na naglalaman ng labi ni Manuel L. Quezon, ang ikalawang pangulo ng Pilipinas, kasama ang labi ng kanyang asawang si Aurora Quezon.