Purok 7

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Isang dramedy na naka-set sa kanayunan ang pelikulang Purok 7. Ang pelikula ay tumatalakay sa danas ng dalawang bata na naninirahan nang sila lang matapos ang pag-alis ng kanilang mga magulang sa magkaibang dahilan. Mula sa panulat at direksiyon ni Carlo Arc Obispo.

Shinoot ang pelikula sa mismong lugar na kinapanganakan at kinalakhan ng direktor, sa Purok 7, Brgy. Matubog, Camiling, Tarlac.

Kabilang ang Purok 7 sa kategoryang New Breed ng ika-9 na CINEMALAYA Philippine Independent Film Festival 2013, na itinanghal nang mula 26 Hulyo hanggang 4 Agosto 2013. Ipinapalabas ang mga pelikulang bahagi ng festival sa Cultural Center of the Philippines, mga sinehan ng Greenbelt 3 sa Lungsod ng Makati, Alabang Town Center sa Muntinlupa at Trinoma sa Lungsod ng Quezon.

Sinopsis

Dalawang magkapatid ang namumuhay nang silang dalawa lang pagkat nakisama ang kanilang ama sa isang babae, ang kanilang ina nama'y nasa ibang bansa—Tsina—upang magtrabaho. Habang inaayos nina Diana, 14 at kanyang kapatid na si Julian, 8 ang pamumuhay nila, darating naman ang isang city boy na si Jeremy upang pakiligin si Diana.

Ang mga Gumanap

Ang mga Nasa Likod ng Pelikula

  • Carlo Arc Obispo, Prodyuser, Panulat at Direksyon
  • Thop Nazareno, Kasamang Prodyuser at Editor
  • Ana Liza Andrada, Kasamang Prodyuser
  • Salunat Gallen, Kasamang Prodyuser
  • Sheenly Vee Gener, Line Producer
  • Marvin Reyes, Direksiyon ng Potograpiya
  • Arthur Maningas, Disenyo ng Produksiyon
  • Pepe Manikan, Musika at Disenyo ng Tunog

Tagapagtaguyod

  • Cinemalaya Foundation, Inc.
  • Rough Road Productions

Panlabas na Kawing

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.


Kategorya:Buhay at Sining Kategorya:Aliwan Kategorya:Pelikula