Punyal na Ginto

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Nalathala noong 1933, ang Punyal na Ginto ay nobela ni Antonio Sempio. Tumatalakay ang nasabing nobela sa pag-iibigan ng magkasintahang nagmula sa magkaibang uri, na ang babae'y dukha samantalang mayaman ang lalaki. Si Dalisay ay napaibig kay Dante, ngunit tumutol sa kanilang relasyon si Don Sergio na ama ng lalaki. Sinuhulan pa ni Don Sergio si Dalisay, na tumugon ng pagtutol, kaya napilitan si Don Sergio na paghiwalay ang magkasintahan. Mabubuntis ang dalaga, magtutungo sa Lukban, at magsisilang ng sanggol. Mapopoot si Don Sergio, at ipasusunog ang bahay ng dalaga. Hihingi ng tulong si Dalisay kay Don Sergio ngunit tatanggi ang huli. Mabibilanggo si Dalisay dahil sa salang katha ni Don Sergio. Nang makalaya ang dalaga'y tutulungan siya ng babae na bugaw sa bahay-aliwang tinawag na Templo ni Benus. Gagantihan ni Dalisay si Don Sergio na noon ay parokyano roon. Makaliligtas si Don Sergio at muli maipapakulong ang dalaga. Nang pansamantalang palayain si Dalisay, nagbalik siya sa kaniyang nayon na may malubhang sakit, bukod sa nasiraan pa ng bait. Yayao ang dalaga, at nang magbalik si Dante ay matutuklasan niya ang kaawa-awang sinapit ng kaniyang minamahal.

Sanggunian

  • Punyal na Ginto ni Antonio Sempio

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.