Punong meridyano

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang punong meridyano (sa Ingles: prime meridian) ay ang pinakagitnang guhit na humahati sa silangan at kanluran ng globo. Ito ang meridyano (guhit ng longhitud) sa longhitud na binibigyang kahulugan bilang 0°, kaya't kilala rin bilang Sero Meridyano. Ito ang guhit sa mukha o ibabaw ng globo na nagmumula sa Hilagang Polo papunta sa Timog Polo, na dumaraan sa Greenwich, Inglatera. Ito ang batayan kung alin ang silangan at kanluran magmula sa sinasabing guhit.

Emisperyo

Ang emisperyo ng Punong meridyano ay hinahati ng dalawang emisperyo ang Silangang Emisperyo at Kanlurang Emisperyo natatamaan nito sa guhit na makikita sa globo simula sa Artiko, kontinente ng Europa sa bansang United Kingdom at kanluraning Aprika na nasa rehiyon ng Sahara at mag tatapos sa kalagitnaan ng Antartika sa Timog Emisperyo.

Pagkilala

Wikipedia.png Hinango sa Wikipedia ang nilalaman ng pahinang ito na nagmula sa Punong meridyano. Ang talaan ng mga may-akda ay makikita sa pahina-kasaysayan. Kahalintulad ng Wikipedia, binibigyang-pahintulot ng WikiFilipino ang muling paggamit at pakikinabang sa mga nilalaman nito sa ilalim ng GNU Free Documentation License. Basahin ang kumpletong pagtatanggi/pagtatatwa.