Pulse Asia

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Upang basahin ang artikulong ito sa Ingles, tingnan ito.

Ang Pulse Asia Research Inc. o mas kilala bilang Pulse Asia ay isang pampublikong opinion polling body sa Pilipinas Itinatag ito noong 1999 bilang isang for-profit private company. Noong 2013, naging nonprofit organization ito.

Kabilang sa mga gawain ng Pulse Asia ang paglalabas ng sarbey tungkol sa opinion ng publiko hinggil sa iba't ibang isyu. Kadalasan ring naglalabas ng sarbey ang Pulse Asia tungkol sa mga politikong maaring manguna sa halalan.

Mga Kontrobersya

Noong 2009, naharap sa kontrobersya ang Pulse Asia matapos itong akusahan ng paglalabas ng mga sarbey na may pagkiling sa mga politiko. Inakusahan rin ito na may kaugnayan kay Benigno S. Aquino III na siyang nagwagi bilang pangulo sa halalan noong 2010. Lumalabas sa mga papeles mula sa Securities and Exchange Commission na kabilang sina Rafael Cojuangco Lopa at Antonio "Tonyboy" Cojuangco, na mga kamag-anak ni Aquino, sa mga nagtatag ng Pulse Asia at ng Social Weather Stations. Ayon rin kay Francisco "Kit" Tatad na ginamit ni Aquino ang koneksyong ito para sa kaniyang pansariling interes.

Noong Oktubre 2013, nilinaw ng Pulse Asia na bagama't kabilang sina Lopa at Cojuangco sa nagtatag ng Pulse Asia noong 1999, wala naman silang kaugnayan sa gawaing pananaliksik ng organisasyon, at wala na rin silang shares sa Pulse Asia.

Noon ring 2010, inakusahan ni Senador Richard Gordon ang Pulse Asia at SWS na may kinilingan matapos lumabas sa mga sarbey na mababa ang tsansa niyang manalo sa halalan bilang pangulo. Dagdag pa ni Gordon, wala umanong silbi ang mga sarbey na ito at tinawag itong "mental conditioning".

Mga Miyembro ng Organisasyon

Ang mga sumusunod ang bumubuo sa pamunuan ng Pulse Asia:

Dr. Emmanuel S. de Dios (chairperson, Board of Directors)

Members of the Board of Trustees

  • Mercedes R. Abad
  • Dr. Ma. Cynthia Rose Banzon-Bautista
  • Dr. Ronald D. Holmes (president)
  • Dr. Ana Maria L. Tabunda (treasurer)

Officers

President – Dr. Ronald D. Holmes Research Director – Dr. Ana Maria L. Tabunda Associate Research Director – Dr. Pia Bennagen Raquedan Programs Head – Ms. Liza Samson Reyes Head Statistician – Ms. Shiela Marie A. Billones Marketing Head – Dr. Enrico C. Osi Finance Coordinator – Ms. Virginia D. Gutierrez

Mga Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.