Pórtal: Panitikang Pilipino

From Wikfilipino
(Redirected from Portal: Panitikang Pilipino)
Jump to navigation Jump to search
Panitikang Pilipino
Halina’t buklatin at basahin ang mga akdang Pilipino na nagpayaman sa panitikan ng Pilipinas!
Philippine myths and legends.svg

Nobela
El FilibusterismoNoli Me TangereNinayMga Ibong MandaragitSa Mga Kuko ng LiwanagSa Pula, Sa PutiLuha ng BuwayaDekada '70Banaag at SikatBata, Bata... Paano Ka Ginawa?TitserGapo

Tula
TanagaDalitDiyona
Florante at LauraIbong AdarnaAmbahanPag-ibig sa Tinubuang LupaMi Ultimo AdiosKay CeliaKatapusang Hibik ng FilipinasAng PagbabalikAng GuryonKung Tuyo na ang Luha MoAko ang Daigdig

Epiko
AgyuAlimBantuganDarangenHudhudIbalonIndarapatra at SulaymanLabaw DonggonHinilawodLam-angTulalangTuwaangUlalim

Dagdag
BalagtasanDulaBugtongPabulaSalawikainKuwentong-bayanParabulaMitolohiyaAlamatAwiting-bayanMaikling KuwentoSanaysayKomiksLiwayway

Mga Pambansang Alagad ng Singing sa Panitikan
Amado V. HernandezJose Garcia VillaNick JoaquinCarlos P. RomuloFrancisco ArcellanaN.V.M GonzalesCarlos QuirinoEdith L. TiempoF. Sionil JoseVirgilio S. AlamarioAlejandro RocesBienvenido LumberaLazaro A. FranciscoCirilo F. BautistaLualhati BautistaLiwayway Arceo BautistaGenoveva MatutePaz Marquez BenitezNinotchka RoscaLeona FlorentinoJessica HagedornLuna Sicat CletoRebecca T. AñonuevoRuth Elynia MabangloAmelia Lapeña-BonifacioBebang SiyDamiana Eugenio


Nagsimula bilang pasalitang tradisyon, ang panitikang Pilipino ay mauugat sa mayamang kultura ng mga katutubong pangkat sa Pilipinas. Bago pa man dumating ang mga Espanyol, may mga iniingatang kuwento, tula, at awitin ang ating mga ninuno. Bahagi nito ang mga alamat (“Alamat ni Maria Makiling” at “Alamat ng Bulkang Mayon”), epiko (Hudhud ng mga Ifugao at Hinilawod ng mga Sulod), awit (diyona, talingdaw, at soliranin), at tula (ambahan, dalit, at tanaga).

Sa pagdating mga Espanyol, pinangunahan ng mga prayle ang paglilimbag ng mga aklat pang katekismo. Pangunahin na rito ang Doctrina Christiana na unang aklat na nailimbag sa Pilipinas noong 1593. Lumaganap din sa panahong ito mahahabang tulang pasalaysay (awit at korido). Maituturing na pinakapopular na awit ang Florante at Laura (1838) ni Francisco Balagtas.

Sa pagtatapos naman ng ika-19 dantaon ay umusbong sa Pilipinas ang nobela na may mahaba at masalimuot na kuwento. Dalawa sa mga natatanging nobela sa Pilipinas ang Noli Me Tangere (1887) at El Filibusterismo (1891) ni Jose Rizal. Malaki ang naging impluwensiya nito sa pagtatapos ng rehimeng Espanyol sa bansa.

Bahagi lamang ang mga nabanggit sa itaas sa pag-unlad ng panitikan sa Pilipinas. Matutunghayan sa portal ng Panitikang Pilipino ang mataas na pagpapahalaga ng WikiFilipino sa mga natatanging akdang pampanitikan sa bansa.

Tampok na Artikulo

edit

Dalit

Ang dalit ay isa sa mga tradisyonal na anyo ng tulang Tagalog. Ito ay may dalawang natatanging katangian: maikli (isang saknong na may apat na taludtod at may sukat na wawaluhin) at matalinghaga. Ayon sa mga tala ng mga misyoneryong Espanyol, ang dalit ay isa sa mga popular na panulaan sa Katagalugan. Maaaring ituring na ang dalit ay mas popular kumpara sa tanaga sapagkat higit na marami ang naitalang tula na nasa anyo ng dalit.

Isa pa sa mga katangian ng dalit ay paawit itong binibigkas. Katunayan, ayon sa pagpapakahulugan sa Vocabulario de la Lengua Tagala (1754), isa ang dalit sa mga uri ng awit. Ang Vocabulario ang pangunahing sanggunian sa paglilimbag noon ng mga katutubong tula. Hanggang sa kasalukuyan, pangunahing sanggunian pa rin ito ng mga mananaliksik ukol sa wika at panitikan. Kabilang sa mga nagtipon ng mga salita rito ay sina Fray Juan Jose de Noceda at Fray Pedro de Sanlucar. Magbasa pa...

Tampok na Larawan

edit

First page of El filibusterismo manuscript

Ang El Filibusterismo ay and pangalawang nobelang isinulat ni Jose Rizal na unang nailathala sa Europe noong 18 Setyembre 1891. Ito ang karugtong ng kaniyang nobelang Noli Me Tangere. Mula sa Europe ay nakarating ito sa Pilipinas na may hatid na balakid at hamon sa paghahari ng Spain; may hatid na pag-asa sa mga Pilipinong naghihintay ng katarungan at kalayaan; at may hatid na pangamba at takot para sa pamilya ng may-akda. Magbasa pa...

Mga Espesyal na Portal

edit

Battlle and revolts.svg Aklas
Himagsikan, Pag-aalsa, at Labanan
Fiesta Philippine Feasts.svg Pista
Piyesta Opisyal ng Pilipinas
Moda Philippine Fashion and Style.svg Moda
Estilo ng pananamit, Pagpapaganda, at Pagkilos
Ph education.svg Edukasyon
Edukasyon sa Pilipinas
Philippine myths and legends.svg Panitikang Pilipino
Panitikan ng Pilipinas
Komiks The Philippine Komikopedia.svg Komiks
Mundo ng Komiks
Musika Original Pilipino Music.svg Musika
Original Pilipino Music
Ph online-travel-guide.svg Travel Guide
Tara na’t tuklasin ang ganda ng ating bansa!
Barangay-06.svg Mga Pambansang Pagkilala
Marapat na kilalanin at parangalan ang mga natatanging Pilipino
Kusina Unique Filipino Food.svg Kusina
Tikman ang mga pagkain at lutuing Pilipino
Ph Cinemapedia.svg Pelikula
Panoorin ang mga natatanging pelikulang Pilipino
Encyclopedia-Filipina.svg Kababaihang Pilipino
Mabuhay ang mga Eba!
Philippine Childrens litreture.svg Chikiting
Balik-balikan ang mga kuwentong naging bahagi ng iyong pagkabata.
Laro Traditional Philippine Games.svg Laro
Matagal nang kilala ang mga Pilipino sa pagiging matalino at mapamaraan.
Ph joserizal-encyclo.svg Rizaliana
Gaano mo kakilala si Jose Rizal?l
Ph-memorabilia.svg Nostalhiya
Halina’t maglakbay pabalik sa nakaraan
Etniko Philippine Ethnic Groups.svg Etniko
Etnolinggwistikong grupo sa Pilipinas.
Libro Filipiniana Books Collection.svg Libro
Bakit hindi mo subukang basahin ito?
Ph TV series.svg Teleserye
Mga teleseryeng Pilipino!
Ph flora-fauna.svg Flora at Fauna
Flora at Fauna ng Pilipinas