Pórtal: Komiks

From Wikfilipino
(Redirected from Portal: Komiks)
Jump to navigation Jump to search
Ensiklopedya ng Pinoy Komiks
Tuklasin at tangkilikin ang makulay na mundo ng Komiks!


Tampok na Artikulo

edit

El Indio

Ang El Indio ay isang komiks ng pakikipagsapalaran na isinulat at iginuhait ni Francisco V. Coching at inilathala sa Pilipino Komiks mula 1952-1953. Ito ay tungkol kay Fernando, isang guwapo at matipunong mestizo na nagbalik sa Pilipinas upang maghiganti sa kaniyang ama na iniwan silang mag-ina. Dito niya natuklasan ang malupit at mapang-aping pamahalaang kolonyal. Napagdesisyunan niyang sumapi sa mga rebelde sa laban sa mga mapang-api bilang si El Indio. Ang komiks na ito ay sequel sa Sabas, Ang Barbaro, ang pinakasikat at pinakamatagumpay na komiks sa kasaysayan ng komiks sa Pilipinas. Ito ay isinapelikula noong 1953. Taong 2004 nang simulan ni Gerry Alanguilan ang pagbabalik at pagsasabuhay ng El Indio sa tulong ng Francisco V. Coching Foundation at ni Zara Macandili.

Vintage Komiks

edit

Tagalog Klasiks

Ang Tagalog Klasiks, na unang inilathala noong 1949, ay pangatlong komiks-magasin sa Pilipinas, sunod sa Halakhak Komiks (1946) at Pilipino Komiks (1947). Ang komiks-magasin na ito ay inilathala ng Ace Publications, ang pinakamalaking manlilimbag ng komiks-magasin noong panahong iyon. Ang mga naunang isyu ng Tagalog Klasiks ay isinunod sa American comics na Classics Illustrated.

Portal ng Komiks

edit

How is yu pipols, watsamara? Ako si Kenkoy Harabas, ang unang cartoon character sa Pinoy Komiks! Maligayang pagdating sa Ensiklopedya ng Pinoy Komiks sa WikiFilipino. Ito ay naglalayong magbigay ng komprehensibong sakop ng kaalaman tungkol sa Pinoy Komiks.

Itinatampok ng mga manunulat at editor ng WikiFilipino ang listahan ng paksa na ito na may layong maibigay ang lahat sa abot ng aming makakaya. Ang listahan ng paksa na ito ay dadaan sa masusing rebyu at proseso upang masiguro na makakamit nito ang mataas na pamantayan na sinusunod ng WikiFilipino.

Kung nais ninyong makatulong sa pagbuo nito, maaari kayong magpadala ng liham sa gmallorca@vibalgroup.com.


Komiks The Philippine Komikopedia.svg
Who's Who
Mag-click dito upang tingnan ang Listahan ng Paksa