Portal:Quincentenario/Listahan ng Paksa

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search
WikiPilipinas.png Maaaring tumulong sa pagpapalawak at pagpapaunlad ng listahang nasa baba. Para sa karagdagang impormasyon, magpadala ng liham sa gmallorca@vibalgroup.com..

Alisin na lamang ang mensaheng ito sa oras na mabuo ang listahan.

Portal ng Quincentenario: Paggunita sa ika-500 Anibersaryo ng Tagumpay ng Mactan 1521–2021

Ang WikiFilipino ay naglalayong bumuo ng Quincentenario upang magbigay ng malawak at buong sakop ng kaalaman tungkol sa makasaysayang pagdating ni Ferdinand Magellan sa Pilipinas, ang Labanan sa Mactan, pagiging bahagi ng unang sirkumnabegasyon ng mundo, at iba pangyayari sa ating kasaysayan noong panahon ng kolonyalisasyon. Layon nitong parangalan ang mga natatangi at magigiting na Pilipino na nakipaglaban para sa kalayaan ng Pilipinas; maipaunawa sa mga Pilipino ang kahalagahan ng pag-aaral ng kasaysayan at pag-uugnay nito sa kasalukuyan; at mapaigting ang nasyonalismo at diwang maka-Pilipino ng mga mambabasa.

Itinatampok ng mga manunulat at editor ng WikiFilipino ang content outline na ito na may layong maibigay ang lahat sa abot ng aming makakaya. Ang content outline na ito ay dadaan sa masusing rebyu at proseso upang masiguro na makakamit nito ang mataas na pamantayan na sinusunod ng WikiPilipinas.

Kung nais ninyong makatulong sa pagbuo nito, maaari kayong magpadala ng liham sa gmallorca@vibalgroup.com.