Portal:Pamahalaan at Politika/Listahan ng Paksa

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search
WikiPilipinas.png Maaaring tumulong sa pagpapalawak at pagpapaunlad ng listahang nasa baba. Para sa karagdagang impormasyon, magpadala ng liham sa gmallorca@vibalgroup.com..

Alisin na lamang ang mensaheng ito sa oras na mabuo ang listahan.

Portal ng Pamahalaan at Politika

Ang Pamahalaan ng Pilipinas ay binubuo ng isang balangkas ng presidensyal, representante, at demokratikong republika na kung saan ang Pangulo ay parehong pinuno ng estado at pinuno ng pamahalaan sa loob ng isang sistemang multi-party. Ang sistemang ito ay umiikot sa tatlong hiwalay at malaya ngunit nagtutulungan na mga sangay: ang lehislatura (ang gumagawa ng batas), ang ehekutibo (ang nagpapatupad ng batas), at ang hudikatura (ang nagpapaliwanag ng batas).

PAMBANSANG PAMAHALAAN NG PILIPINAS Ang Republika ng Pilipinas ay mayroong representateng demokrasya na naka-modelo sa sistema ng pamahalaan ng Estados Unidos. Ang kasalukuyang Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas, na pinagtibay noong administrasyon ni Pangulong Corazon Aquino noong 1987, ay nagtakda ng muling pagkakatatag ng isang presidensyal na sistema ng pamahalaan na mayroong bicameral na lehislatura at isang malayang hudikatura.

  • Ehekutibo

Ang sangay ng ehekutibo ay pinamumunuan ng Pangulo, na sa kasalukuyan ay si Rodrigo Duterte, na parehong pinuno ng estado at pinuno ng pamahalaan. Siya rin ang Punong Komandante ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas. Siya ay hinahalal para manilbihan sa loob ng anim na taon sa pamamagitan ng popular vote. Matapos siyang ihalal, nagtatalaga siya ng mga taong bubuo sa kanyang Gabinete. Ang ehekutibo ay opisyal na pinapangasiwaan sa Palasyo ng Malacañang, na siya ring opisyal na tirahan ng Pangulo, na nasa Lungsod ng Maynila. Ang Pangulo ay hindi na pwedeng tumakbong muli sa parehas na posisyon, maliban lamang kung siya ay naging pangulo dahil sa constitutional succession at nanilbihan nang hindi hihigit sa apat na taon. Ang pangalawang pinakamataas na opisyal, ang Pangalawang Pangulo na sa kasalukuyan ay si Maria Leonor Robredo, ay hinahalal din sa pamamagitan ng popular vote. Siya ang una sa constitutional succession kung ang Pangulo ay magbibitiw sa kanyang posisyon, matatanggal sa pamamagitan ng impeachment, o mamamatay. Ang Pangalawang Pangulo ay karaniwang miyembro ng Gabinete ng Pangulo.

  • Lehislatura

Ang bicameral na Kongreso ng Pilipinas ay binubuo ng Senado at ng Kapulungan ng mga Kinatawan. Ang mga miyembro nito ay hinahalal sa pamamagitan ng popular vote. Ang Senado ay binubuo ng 24 na mga miyembro na hinahalal ng lahat ng mamamayan. Ang Kapulungan ng mga Kinatawan naman ay binubuo ng 304 miyembro: 243 sa mga ito ay hinahalal mula sa mga distrito, samantalang ang 61 sa mga ito ay hinahalal na kinatawan mula sa mga party-list. Ang mga senador ay hinahalal upang manilbihan sa loob ng anim na taon, samantalang mga kinatawan naman ay hinahalal upan manilbihan sa loob ng tatlong taon. Ang Senado ay nasa Lungsod ng Pasay, samantalang ang Kapulungan ng mga Kinatawan naman ay nasa Lungsod Quezon.

  • Hudikatura

Ang hudikatura ay pinamumunuan ng Korte Suprema, na binubuo ng isang Punong Mahistrado at 14 na Kasangguning Mahistrado. Lahat sila ay tinatalaga ng Pangulo alinsunod sa mungkahi ng Judicial and Bar Council

LOKAL NA PAMAHALAAN Ang Pilipinas ay binubuo ng herarkiya ng mga local government units (LGUs). Ang probinsya ang pangunahing yunit nito. Ito ay iginrupo sa 17 rehiyon. Ito ay pinamumunuan ng isang Gobernador. Bawat probinsya ay may Sangguniang Panlalawigan na binubuo ng Pangalawang Gobernador at mga Konsehal. Ang mga probinsya ay binubuo ng mga lungsod at munisipalidad. Ang mga ito ay pinamumunuan ng isang Alkalde. Bawat lungsod o munisipaliad ay may Sangguniang Panlungsod o Bayan na binubuo ng Pangalawang Alkalde at mga Konsehal. Bawat lungsod o munisipalidad ay binubuo ng mga barangay. Ito ay pinamumunuan ng isang Kapitan, na siya ring pinuno ng isang Konseho na kinabibilangan ng mga Kagawad. Sa bawat barangay, mayroong mga Youth Council na pinamumunuan ng Tagapangulo ng Sangguniang Kabataan (SK).

Pamahalaan ng Pilipinas

  • Ehekutibo
    • Pangulo
    • Mga Atas Tagapagpaganap, Dekreto ng Pangulo, at Proklamasyon ng Pangulo
    • Pangalawang Pangulo
    • Kabiyak ng Pangulo
    • Departamento
    • Mga Miyembro ng Gabinete
    • Ahensiya
    • Mga Korporasyong Pag-aari o Kontrolado ng Gobyerno
    • Mga pampublikong unibersidad at kolehiyo
  • Local Government Units
    • Mga Rehiyon
    • Mga Probinsya
    • Mga Gobernador
    • Mga Pangalawang Gobernador
    • Sangguniang Panlalawigan
    • Mga Lungsod
    • Mga Alkalde
    • Mga Pangalawang Alkalde
    • Sangguniang Panlungsod
    • Mga Munisipalidad
    • Mga Alkalde
    • Mga Pangalawang Alkalde
    • Sangguniang Bayan
    • Mga Barangay
    • Sangguniang Kabataan
  • Militar at Pulisya
    • Hukbong Sandatahan ng Pilipinas
    • Hukbong Katihan ng Pilipinas
    • Hukbong Himpapawid ng Pilipinas
    • Hukbong Dagat ng Pilipinas
    • Mga Reserba
    • Akademiyang Militar ng Pilipinas
    • Intelihensiya
    • Mga Espesyal na Pwersa
    • Mga Tauhan sa Militar
    • Mga Kagamitan sa Militar
    • Mga Yunit at Pormasyon sa Militar
    • Mga Ranggo sa Militar
    • Mga Armas at Kagamitan
    • Pambansang Pulisya ng Pilipinas
    • Akademiyang Pambansang Pulisya ng Pilipinas
    • Pambansang Kawanihan ng Pagsisiyasat
    • Ahensiya ng Pilipinas sa Pagpapatupad ng Batas Laban sa Bawal na Gamot
    • Pampanguluhang Komisyon Laban sa Krimen
    • Pampanguluhang Task Force Laban sa Krimeng Organisado
  • Lehislatura
    • Senado ng Pilipinas
    • Mga Senador
    • Mga Pangulo ng Senado
    • Mga Komite sa Senado
    • Kapulungan ng mga Kinatawan
    • Mga Kinatawan
    • Mga Kinatawan ng mga Distrito
    • Mga Kinatawan ng mga Party-list
    • Mga Ispiker ng Kapulungan ng mga Kinatawan
    • Mga Komite sa Kapulungan ng mga Kinatawan
    • Mga Gawaing Panglehislatura
    • Mga Batas Republika (1987 hanggang kasalukuyan)
    • Mga Batas Pambansa (1979 hanggang 1985)
    • Mga Commonwealth Acts (1935 hanggang 1946)
    • Mga Acts (1901 hanggang 1935)
  • Hudikatura
    • Korte Suprema
    • Mga Punong Mahistrado
    • Mga Kasangguning Mahistrado
    • Mga Desisyon at Resolusyon ng Korte Suprema
    • Hukuman ng Apelasyon
    • Sandiganbayan
    • Mga Panrehiyong Hukuman
    • Mga Metropolitan na Hukuman
    • Mga Munisipal na Hukuman
    • Korte ng Shari’a
  • Ang Konstitusyon at Mga Batas
    • Ang Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas (1987)
    • Mga Batas sa Pilipinas
    • Mga Larangan ng Batas sa Pilipinas
    • Batas pampulitika
    • Batas sibil
    • Batas kriminal
    • Batas remedial
    • Mercantile law
    • Labor and social legislation
    • Batas pambuwis
    • Legal at panghukumang etika
    • Batas Shari’a
    • Batas ukol sa likas na yaman
    • Hurisprudensya
    • Kasaysayan ng mga Batas sa Pilipinas
    • Mga Lumang Batas
    • Mga Tradisyunal o Pantribong Batas
  • Mga Non-Government Organizations sa Pilipinas
    • Mga ahensiya ng United Nations
    • Humanitarian organizations
    • Labor groups
    • Agricultural reform groups
    • Civic groups

Politika sa Pilipinas

  • Mga Politiko
    • Mga Pangulo
    • Mga Pangalawang Pangulo
    • Mga Senador
    • Mga Kinatawan
    • Mga Gobernador
    • Mga Pangalawang Gobernador
    • Mga Miyembro ng Sangguniang Panlalawigan
    • Mga Alkalde
    • Mga Pangalawang Alkalde
    • Mga Miyembro ng Sangguniang Panlungsod
    • Mga Miyembro ng Sangguniang Bayan
    • Kapitan ng Barangay
    • Mga Miyembro ng Sangguniang Barangay
    • Tagapangulo ng Sangguniang Kabataan (SK)
    • Mga Miyembro ng Sangguniang Kabataan (SK)
    • Mga Tanyag na Politiko
  • Mga Politikal na Grupo
    • Mga koalisyon ng administrasyon
    • Mga koalisyon ng oposisyon
    • Mga pangunahing grupo ng party-list
    • Mga makakaliwa
    • Mga separatista
    • Mga makakanan
    • Mga pamilyang pulitikal
  • Mga Eleksyon
    • Mga Eleksyon sa Pilipinas
    • Komisyon sa Halalan
  • Ugnayang Panlabas
    • Mga Embahada
    • Mga Embahador ng Pilipinas
    • Mga Embahador sa Pilipinas
    • Mga Diplomatikong Misyon
    • Listahan ng mga Embahada ng Pilipinas
    • Partisipasyon sa mga organisasyong pang-internasyonal
    • Mga Opisinang Konsular
    • Empleo sa Ibayong-Dagat
    • Paniniktik
  • Mga Politikal na Pangyayari
    • Mga Pampublikong Holiday
    • Rebolusyong Pilipino
    • Araw ng Kalayaan
    • Digmaang Pilipino-Amerikano
    • Batas Militar
    • Mga Rebolusyon sa EDSA
    • Mga Kudeta
    • Oakwood Mutiny
    • Manila Peninsula siege
    • Mga Pagpatay dulot ng Politika
    • Pagpatay kay Ninoy Aquino
    • Pagbitay sa GomBurZa
    • Pagbitay kay Jose Rizal
    • Pagbitay kay Andres Bonifacio
    • Mga Protesta at Demonstrasyon
    • Mendiola Massacre
    • Pagbomba sa Plaza Miranda
    • Mga Kontrobersya
    • NBN-ZTE Deal
    • Mga paglilitis ukol sa impeachment
    • Mga imbestigasyon ng lehislatura
    • Mga ‘di-malilimutang eksena sa Kongreso
    • Mga gumawa ng balita
  • Mga lugar na kung saan nagaganap ang mga pangyayaring politikal
    • Mendiola
    • Plaza Miranda
    • EDSA
    • Ayala
    • Luneta
    • Quirino Grandstand
    • Palasyo ng Malacañang