Portal:Pamahalaan at Politika
|
Tampok na Artikulo
Ang General Assembly Binding Women for Reforms, Integrity, Equality, Leadership, and Action (GABRIELA) ay isang organisasyon sa Pilipinas na nagtataguyod ng mga programa para sa kaunlaran ng kababaihan. Ito ay ipinangalan kay Gabriela Silang, isang bayaning Pilipina na namuno sa isang rebelyon laban sa pananakop ng mga Kastila, at itinatag noong 1984.
Ito ay isang kilusan na tahasang nakikialam sa problemang kinakaharap ng mga babae upang sila ay mapalaya sa anu mang kalupitan, diskriminasyon, karahasang sexual at pang-aabuso, kapabayaan at pagtanggi sa kanilang karapatang pangkalusugan at reproduksyon.
Ang GABRIELA ay may layuning ipaglaban ang kalayaan at pagkakapantay-pantay ng mga kababaihan sa mga kalalakihan sa halos lahat ng aspeto ng buhay.
Mainit na Usapin
Ang dating Philippine Ambassador to Brazil na si Marichu Mauro, na nakita sa video ang ginawang pang-aabuso sa kaniyang kasambahay ay tinanggal na sa trabaho, ayon kay Pangulong Duterte.
Si Mauro ay ipinatawag noong Oktubre 2020 upang ipaliwanag ang ginawang pang-aabuso. Siya ay sinampahan ng kaso noong ika-9 ng Nobyembre.
Dagdag pa ni Duterte, may kaakibat na mga parusa ang pagkakatanggal nito sa serbisyo katulad ng pagkansela sa eligibility nito, pagtanggal ng kaniyang retirement benefits, at tuluyang diskwaplikasyon sa katungkulan sa pamahalaan. Hindi na rin siya maaaring kumuha pa ng civil service examinations.
Portal ng Pamahalaan at Politika
Ang WikiFilipino ay naglalayong bumuo ng Portal ng Pamahalaan at Politika upang magbigay ng malawak at buong sakop ng kaalaman tungkol sa mga nabanggit. Layon nitong tulungan ang mga mambabasa na maging maalam sa mga usaping politikal sa Pilipinas,
makilala at makilatis nang mabuti ang mga lingkod- bayan, at malaman ang mga batas at patakaran sa
pagluklok sa kanila. Itinatampok ng mga manunulat at editor ng WikiFilipino ang content outline na ito na may layong maibigay ang lahat sa abot ng aming makakaya. Ang content outline na ito ay dadaan sa masusing rebyu at proseso upang masiguro na makakamit nito ang mataas na pamantayan na sinusunod ng WikiFilipino.
Kung nais ninyong makatulong sa pagbuo nito, maaari kayong magpadala ng liham sa gmallorca@vibalgroup.com.
Mga Politiko sa Pilipinas
• Pilipinong Politiko • Villamor Air Base |
• Mga Senador ng Pilipinas |
Mag-click dito upang tingnan ang Listahan ng Paksa |