Portal:Media at Libangan

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search
Ensiklopedya ng Media at Libangan
Maging maalam sa mga nagbabagang balita sa Pinoy showbiz
at sa iyong mga paboritong artista, palabas, at pelikula.

Tampok na Artikulo

edit

John Lloyd Cruz

Si John Lloyd Cruz ay isa sa mga pinakasikat na aktor ngayon. Siya ay isa sa mga alaga ng Star Magic na nasa loob ng pamunuan ng ABS-CBN.

Isinilang noong 24 Hunyo 1983, si John Lloyd ay anak nina Luisito at Aida Espidol Cruz. Ipinangalan ang John sa kanya na isinunod kay San Juan (St. John) na noong araw ng kanyang kapanganakan ay nagdiriwang naman ng kapistahan.

Idan ang naging tawag ng mga kapamilya at kaibigan niya sa kanya. Ang talagang gusto niya noon ay maging isang piloto at libutin ang buong mundo.

Sa kanyang paglaki ay nasaksihan niya ang paghina ng negosyo ng kanyang ama, ito ay ang pagbebenta ng marble at nakita niya ang pagsisikap ng kanyang ina at mga nakatatandang kapatid upang maitaguyod ang kanilang pamilya kung kaya't naisipan niyang tumulong sa mga ito.



Tampok na Video

edit


Ang Cinemalaya ay isang organisasyon na nakatuon sa pagsulong ng mga independent films sa Pilipinas. Kabalikat ng Cinemalaya ang Cultural Center of the Philippines sa kanyang mga adhikain at mga proyekto. Nilalayon ng Cinemalaya na mapalaganap ang mga independent films na gawa sa Pilipinas, hindi lamang sa bansa ngunit ganoon din sa ibang panig ng mundo.


Portal ng Media at Libangan

edit

Ang WikiFilipino ay naglalayong bumuo ng Portal ng Media at Libangan upang magbigay ng komprehensibong sakop ng kaalaman tungkol dito. Mayroon itong dalawang kategorya: Philippine Mass Media (na binubuo ng Broadcast media, Print Media, Advertising, at Media Practitioners) at Philippine Entertainment (na binubuo ng Telebisyon, Radyo, Sine, Musika, at Mga Artista).

Itinatampok ng mga manunulat at editor ng WikiFilipino ang content outline na ito na may layong maibigay ang lahat sa abot ng aming makakaya. Ang content outline na ito ay dadaan sa masusing rebyu at proseso upang masiguro na makakamit nito ang mataas na pamantayan na sinusunod ng WikiPilipinas.

Kung nais ninyong makatulong sa pagbuo nito, maaari kayong magpadala ng liham sa gmallorca@vibalgroup.com.

Media entertainment-01.svg
Broadcast Media
Media entertainment-01.svg
Media Practitioners
Media entertainment-01.svg
Advertising
Media entertainment-01.svg
Sine
Media entertainment-01.svg
Print Media
Media entertainment-01.svg
Artista
Media entertainment-01.svg
Film Makers
Media entertainment-01.svg
Musika
Media entertainment-01.svg
Organisasyon at Asosasyon
Mag-click dito upang tingnan ang Listahan ng Paksa