Portal:Komunidad at Kalinangang Pilipino

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search
Ensiklopedya ng Komunidad at Kalinangang Pilipino
Alamin ang iba’t ibang uri ng pamumuhay
at mayaman na kultura na mayroon ang mga Pilipino

Tampok na Artikulo

edit

Ilokano

Ang Ilokano ay isang pangkating etniko na matatagpuan sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Abra, Cagayan, Pangasinan at iba pang bahagi ng Ilocos Rehiyon. Ang mga Ilokano ay ikatlo sa pinakamalaking pangkat etniko sa buong Pilipinas, at ikalawa sa pinakamalaki sa buong Mindanao. Kilala ang mga Ilokano sa pagiging masipag, mapagkumbaba, at sa kanilang payak na pamumuhay. Kilala din sila sa kanilang mga produkto at pagkain tulad ng bagoong, pinakbet, dinengdeng, sukang Iloko, burnay at basi.

Ang salitang Ilokano ay tumutukoy din sa wika ng mga taong naninirahan sa mga nabanggit na lugar, na nagsisilbi bilang Lingua Franca o ang pangunahing wika ng rehiyon.

Tampok na Larawan

edit

Ang mga Badjao


Ang pangkat na Badjao ay naninirahan sa Sulu, sa mga bayan ng Maubu, Bus-bus, Tanjung, Pata, Tapul, Lugus, Bangas, Parang, Maimbung, Karungdung at Talipaw. Tinatawag din silang Luaan, Lutaos, Bajau, Orang Laut, Samal Pal'u at Pala'u. Samal ang kanilang wika. Kahawig ng mga Samal ang kanilang kultura. May haka-hakang sila at ang mga Samal ay isang pangkat na nagmula sa Johore sa dakong timog ng pinensulang Malaya.

Nakatira sila sa mga bangkang-bahay. Isang pamilya na may miyembrong 2-13 miyembro ang maaaring tumira sa bangkang-bahay.


Portal ng Komunidad at Kalinangang Pilipino

edit

Ang WikiFilipino ay naglalayong bumuo ng Portal ng Komunidad at Kalinangang Pilipino upang magbigay ng malawak at buong sakop ng kaalaman tungkol sa mga nabanggit.

Layon nitong tulungan ang mga mambabasa na makilala ang yamang-tao ng Pilipinas, partikular ang mga katutubong pangkat sa bansa at ang kanilang natatanging kultura.

Itinatampok ng mga manunulat at editor ng WikiFilipino ang content outline na ito na may layong maibigay ang lahat sa abot ng aming makakaya. Ang content outline na ito ay dadaan sa masusing rebyu at proseso upang masiguro na makakamit nito ang mataas na pamantayan na sinusunod ng WikiFilipino.

Kung nais ninyong makatulong sa pagbuo nito, maaari kayong magpadala ng liham sa gmallorca@vibalgroup.com.

Communities.svg
Mga Komunidad ng Kultura

Tagalog
Ilocano
Ilonggo
Cebuano

Mag-click dito upang tingnan ang Listahan ng Paksa