Portal:Kasaysayan
|
Tampok na Artikulo
Ang Labanán sa Mactan ay isa sa mahahalagang pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas. Ang tunggaliang ito ay naganap noong 27 Abril 1521, kung saan nagapi ng hukbo ni Lapulapu, ang datu ng Mactan, ang puwersa ng Portuges na manlalakbay na si Ferdinand Magellan.
Dahil hindi sinuportahan ng kaniyang bansa ang pagnanais na maglayag at tumuklas, umalis si Ferdinand Magellan sa Portugal at nagtungo sa Espanya. Lumapit si Magellan kay Haring Carlos I (na kalaunan ay tinawag na Holy Roman Emperor Charles V) at inihain ang kaniyang pagnanais na magsagawa ng isang paglalakbay pa-kanluran upang hanapin ang Spice Islands o Moluccas. Noong 20 Setyembre 1519, nag-umpisa na ang paglalayag ni Magellan sa San Lucar, kasama ang Italyanong manlalakbay at iskolar na si Antonio Pigafetta na nagsilbing tagapagtala o kronista ng ekspedisyong ito.
Tampok na Video
Ang Labanan sa Mactan na sinasabing unang pakikidigma ng mga Pilipino sa mga dayuhang mananakop.
Portal ng Kasaysayan ng Pilipinas
Ang WikiFilipino ay naglalayong bumuo ng Portal ng Kasaysayan ng Pilipinas upang magbigay ng malawak at buong sakop ng kaalaman tungkol sa mga nabanggit.
Layon nitong tulungan ang mga mambabasa na magbalik-tanaw sa mga pangyayari, bagay, o lugar na may kaugnayan sa kasaysayan ng Pilipinas. Itinatampok ng mga manunulat at editor ng WikiFilipino ang content outline na ito na may layong maibigay ang lahat sa abot ng aming makakaya. Ang content outline na ito ay dadaan sa masusing rebyu at proseso upang masiguro na makakamit nito ang mataas na pamantayan na sinusunod ng WikiFilipino.
Kung nais ninyong makatulong sa pagbuo nito, maaari kayong magpadala ng liham sa gmallorca@vibalgroup.com.
Lugar sa Kasaysayan |
• Kondisyong Ekonomikal |
Mag-click dito upang tingnan ang Listahan ng Paksa |