Portal:Heograpiya at Paglalakbay

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search
Ensiklopedya ng Heograpiya at Paglalakbay
Alam mo ba na ang Pilipinas ay may 7,641 pulô? Halina’t tuklasin, akyatin, at sisirin natin ang magagandang tanawin sa ating bansa.
Isa-isahin natin ang mga lalawigan at siyudad na tiyak na iyong pupuntahan at babalik-balikan. .


Tampok na Artikulo

edit

Lungsod Baguio

Siyudad ti Baguio sa wikang Ilokano ang Lungsod Baguio. Ito ay itinatag ng mga Amerikano noong 1900, at inilagak sa Kafagway na dating tirahan ng mga Tribung Ibaloy. Ginawang resort ng mga sundalong Amerikano ang Baguio noong panahong sakop ng Estados Unidos ang Amerika, matapos atasan ni Luke E. Wright si Daniel H. Burnham na gumawa ng plano ng lungsod. Ang pangalan ng lungsod na ito ay hinango sa salitang bag-iw na ang ibig sabihin ay “lumot,” dahil kalimitang maraming tumutubo ditong pino, dapo, at malulumot na halaman.

Magbasa pa

Tampok na Video

edit


Ang Baguio City ay isa sa mga pinakamalalamig na lugar sa Pilipinas. Pilipino man o dayuhang turista, isa ang Baguio City sa mga nakawiwiling pasyalan sa bansa. Dalawa sa mga popular na pasyalan dito ay ang Burnham Park at ang Mines View Park. Maraming nagtitinda rito ng mga pasalubong at produktong gawa ng mga Igorot tulad ng keychain, peanut brittle, strawberry jam, ube jam, at mga bagay na gawa sa kahoy.


Portal ng Heograpiya at Paglalakbay

edit

Ang WikiFilipino ay naglalayong bumuo ng Portal ng Heograpiya at Paglalakbay upang magbigay ng malawak na saklaw ng kaalaman tungkol sa katangiang pisikal ng mga lugar sa Pilipinas. Kasama na rito ang pagtatampok sa mga yaman ng ating bansa, ang likas at pampolitikang pagkakahati, klima, mga produkto, at populasyon.

Itinatampok ng mga manunulat at editor ng WikiFilipino ang listahan ng paksa na ito na may layong maibigay ang lahat sa abot ng aming makakaya. Ang listahan ng paksa na ito ay dadaan sa masusing rebyu at proseso upang masiguro na makakamit nito ang mataas na pamantayan na sinusunod ng WikiPilipinas.

Kung nais ninyong makatulong sa pagbuo nito, maaari kayong magpadala ng liham sa gmallorca@vibalgroup.com.

Geography and Travel.svg
Heograpiya ng Pilipinas
Geography and Travel.svg
Anyong Lupa at Anyong Tubig
Geography and Travel.svg
Lakbay
Mag-click dito upang tingnan ang Listahan ng Paksa