Portal:Bayani

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search
Ensiklopedya ng mga Bayani
Pagkilala at Pagpupugay sa Ating mga Bayani

Tampok na Artikulo

edit

Si Jose P. Rizal (i. 19 Hunyo 1861 — k. 30 Disyembre 1896) na may buong pangalang José Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda, ay ang Pambansang Bayani ng Pilipinas na lumaban sa mga kastila sa pamamagitan ng kaniyang mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo noong panahon ng pananakop ng Espanya sa bansa. May angking pambihirang talino, siya ay hindi lamang isang manunulat ngunit isa ring magsasaka, manggagamot, siyentipiko, makata, imbentor, iskultor, inhinyero, kuwentista, lingguwista, at may kaalaman sa arkitektura, kartograpiya, ekonomiya, antropolohiya, iktolohiya, etnolohiya, agrikultura, musika (marunong siyang tumugtog ng plawta), sining sa pakikipaglaban (martial arts), at pag-eeskrima... (higit pa)


Tampok na Video

edit


Si Antonio Luna (Oktubre 29, 1866 - Hunyo 5, 1899) ay nakakabatang kapatid ni Juan Luna. Siya ay nakilala bilang isa sa mga mahuhusay na manunulat, sundalo, makabayan, at martir para sa Pilipinas.


Portal ng Bayani

edit

Ang WikiFilipino ay naglalayong bumuo ng Portal ng Bayani upang magbigay ng malawak at buong sakop ng kaalaman tungkol sa mga nabanggit. Layon nitong ipakilala at bigyang-pugay ang ating mga bayani.

Itinatampok ng mga manunulat at editor ng WikiFilipino ang content outline na ito na may layong maibigay ang lahat sa abot ng aming makakaya. Ang content outline na ito ay dadaan sa masusing rebyu at proseso upang masiguro na makakamit nito ang mataas na pamantayan na sinusunod ng WikiPilipinas.

Kung nais ninyong makatulong sa pagbuo nito, maaari kayong magpadala ng liham sa gmallorca@vibalgroup.com.

Communities.svg
Bayani ng Rehiyon

• Pag-aaklas sa Panahon ng Kastila

Mag-click dito upang tingnan ang Listahan ng Paksa