Pórtal:Aklas
|
Makatwirang Pagpapaliwanag
Ang aklás ay nangangahulugang “organisadong pagtanggi ng mga obrero na magtrabaho hanggang mabigyan ng lunas ang kanilang karaingan” (UP Diksiyonaryo Filipino). Maraming pag-aaklas ang naitala sa ating kasaysayan na pinangunahan ng mga manggagawang Pilipino. Maiuugnay rin ang aklas sa isa pang salita, ang alsá. Nangangahulugan “rebelyon,” “himagsik,” o “organisado at armadong paglaban sa gobyerno.” Sa panahon ng kolonyalisasyon naitala ang maraming pagtutol ng mga Pilipino sa hindi makatarungang pananakop at pamamalakad ng pamahalaang Espanyol. Kabilang na rito ang Labanan sa Ilog Bangkusay (1571), ang Pag-aalsa ni Sumoroy (1649–1650), ang Kilusang Agraryo ng 1745, at ang Pag-aalsa sa Cavite (1872).
Maging sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano at Hapon ay naganap ang maraming nagaganap pa rin ang mga pag-aaklas at pag-aalsa ng mga Pilipino sa iba’t ibang kadahilanan—ngunit mas lamáng na kadahilanan ang politikal na aspekto. Ipinagpatuloy ng ilang kasapi ng Katipunan na naghimagsik laban sa mga Espanyol ang kanilang pakikipaglaban sa kalayaan sa mga mananakop na Amerikano. Nakipaglaban din ang mga Pilipinong Muslim sa mga Amerikano tulad ng naganao na Labanan sa Bud Bagsak (1913). Sa panahon ng mga Hapon, nariyan ang Hukbong Bayan Laban sa mga Hapon (1942–1954) na binubuo ng mga magsasaka na may malalim na kadahilanan ng kanilang pagrerebelde.
Ganap mang nakalaya ang Pilipinas sa tatlong mananakop, patuloy ang pakikibaka ng mga Pilipino sa pagkamit ng pagbabago tulad ng People Power Revolution noong 1986. Alinsunod nito ang pagpapakilala ng WikiFilipino ng Aklas portal. Nagbibigay-pugay ang WikiFilipino sa mga Pilipinong nakipaglaban at patuloy na nakikipaglaban para sa karapatan at kalayaan.
Tampok na Artikulo
Ang Kilusang Agraryo ng 1745 (tinatawag ding Pag-aalsa ng mga Tagalog ng 1745) ay panghihimagsik ng mga katutubong magsasaka na naganap sa mga lalawigan na kasalukuyang bahagi ng CALABARZON (partikular ang bahagi ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon) at umabot hanggang sa Bulacan. Ang mga katutubong Pilipino, na tunay na nagmamay-ari ng mga lupaing sakahan sa mga nasabing lalawigan, ay nag-alsá at gumawa ng mga kaguluhan laban sa mga paring Espanyol upang maibalik sa kanila ang mga kinamkam na lupain. Nang makarating ang balitang ito kay Haring Fernando VI, ipinag-utos niya na ibalik sa mga katutubo ang kanilang mga lupain. Gayunman, umapela ang mga prayle na kalaunan ay nanalo sa kasong ito. Nangangahulugan ito na wala ni kapirasong lupain ang naibalik sa mga katutubong tunay na nagmamay-ari nito. Ipagpatuloy ag pagbabasa...
Tampok na Larawan
Tumutukoy ang Aklasang Bayan sa EDSA, na kilala rin bilang EDSA People Power, sa mapayapang pag-aaklas ng laksa-laksang Pilipino laban sa mapaniil na diktadura ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos. Naging titis sa pag-aaklas ang kudeta nina Hen. Fidel V. Ramos, na ikalawang hepe de estado mayor, at Juan Ponce Enrile, na kalihim ng Tanggulang Pambansa—na sinuportahan ng panawagan ni Jaime Cardinal Sin sa taumbayan na pigilin ang napipintong madugong bakbakan ng mga sundalo sa Camp Crame at Camp Aguinaldo na malapit sa Epifanio de los Santos Avenue EDSA). Nagsimula ang pag-aaklas noong gabi ng 21 Pebrero 1986 at nagwakas noong 25 Pebrero 1986 nang sapilitang isakay sa eroplano ng Amerikano ang pamilyang Marcos —bitbit ang daan-daang papeles, alahas, kagamitan, at di-mabilang na salapi—at idestiyero sa Hawaii. Ipagpatuloy ang pagbabasa...
Mga Espesyal na Portal
![]() |
Aklas Himagsikan, Pag-aalsa, at Labanan
|
![]() |
Pista Piyesta Opisyal ng Pilipinas
|
![]() |
Moda Estilo ng pananamit, Pagpapaganda, at Pagkilos
|
![]() |
Edukasyon Edukasyon sa Pilipinas
|
![]() |
Panitikang Pilipino Panitikan ng Pilipinas
|
![]() |
Komiks Mundo ng Komiks
|
![]() |
Musika Original Pilipino Music
|
![]() |
Travel Guide Tara na’t tuklasin ang ganda ng ating bansa!
|
![]() |
Mga Pambansang Pagkilala Marapat na kilalanin at parangalan ang mga natatanging Pilipino
|
![]() |
Kusina Tikman ang mga pagkain at lutuing Pilipino
|
![]() |
Pelikula Panoorin ang mga natatanging pelikulang Pilipino
|
![]() |
Kababaihang Pilipino Mabuhay ang mga Eba!
|
![]() |
Chikiting Balik-balikan ang mga kuwentong naging bahagi ng iyong pagkabata.
|
![]() |
Laro Matagal nang kilala ang mga Pilipino sa pagiging matalino at mapamaraan.
|
![]() |
Rizaliana Gaano mo kakilala si Jose Rizal?l
|
![]() |
Nostalhiya Halina’t maglakbay pabalik sa nakaraan
|
![]() |
Etniko Etnolinggwistikong grupo sa Pilipinas.
|
![]() |
Libro Bakit hindi mo subukang basahin ito?
|
![]() |
Teleserye Mga teleseryeng Pilipino!
|
![]() |
Flora at Fauna Flora at Fauna ng Pilipinas
|