Polong Timog

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang Polong Timog, kilala din sa tawag na Heograpikong Polong Timog o Panlupang Polong Timog, ay isa sa dalawang punto kung saan sumasalikop ang aksis ng pag-ikot ng Daigdig sa ibabaw nito. Ito ang pinakatimog na punto sa ibabaw ng Daigdig at matatagpuan sa kabaligtaran bahagi ng Daigdig mula sa Hilagang Polo. Nakalagay sa lupalop ng Antartika, sityo ito ng Himpilan ng Amundsen-Scott ng Polong Timog ng Estados Unidos, na itinatag noong 1956 at palagiang may mga trabahador simula noong taong iyon. Hindi dapat ipagkamali ang Heograpikong Polong Timog sa Timog Magnetikong Polo.

Pagkilala

Wikipedia.png Hinango sa Wikipedia ang nilalaman ng pahinang ito na nagmula sa Polong Timog. Ang talaan ng mga may-akda ay makikita sa pahina-kasaysayan. Kahalintulad ng Wikipedia, binibigyang-pahintulot ng WikiFilipino ang muling paggamit at pakikinabang sa mga nilalaman nito sa ilalim ng GNU Free Documentation License. Basahin ang kumpletong pagtatanggi/pagtatatwa.