Pol Medina Jr.

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search
Apolonio "Pol" Medina Jr.
Estado:
Tunay na pangalan: Apolonio Medina Jr.
Kapanganakan: Abril 6, 1960
Asawa: Susan Medina
Mga Magulang :
Ibang Pangalan : Pol Medina Jr.
Kilalang pagganap :

Si Apolonio “Pol” Medina Jr., ay isinilang noong Abril 6,1960, at kinikilalang isa sa mga pinakatanyag na dibuhista sa Pilipinas ngayon. Naging bantog si Medina sa kaniyang mga obrang gaya ng Pugad Baboy, isang black-and-white na komik istrip na unang lumabas sa Philippine Daily Inquirer (PDI) noong Mayo 18, 1988.

Talambuhay

Si Pol ay nagtungo sa Iraq sa kasagsagan ng giyera sa pagitan ng Iran at Iraq nang makapagtapos siya ng kursong Arkitektura sa Unibersidad ng Sto. Tomas noong 1983, upang magtrabaho sa isang Italian construction company. Sa mga panahong inilagi niya sa lugar na iyon, kanyang naranasan ang sinasabi niyang pinaka-nakababaliw na dalawang taon sa kaniyang buhay.

Taong 1986 nang nagsimula siyang gumawa ng iskrip at gumuhit para sa Pugad Baboy, isang bagong komiks tungkol sa isang komunidad at sa isang asong nagngangalang Polgas. Matapos nito ay nagtrabaho naman siya bilang isang arkitekto sa isang firm sa San Juan, Metro Manila noong 1987.

Setyembre noong taong 2002, si Pol ay naging isa sa mga co-founder ng Pugad Baboy Inc., kasama ang pito sa kaniyang mga kaibigan. Ginamit ng kumpanya bilang motto ang Ad Astra Per Aspera na inspirasyon dito ang Pulitzer Prize-winning novel ni Harper Lee na To Kill a Mockingjay Kansis. Matapos ang tatlong taon, tuluyang nagsara ang kumpanya kasabay ng pag-alis dito ni Pol upang magsimula ng isang bagong "advertising industry".

Mga Obra at Parangal

Simula noong 1988, ang kaniyang istrip ng Pugad Baboy ay inilathala sa Philippine Daily Inquirer at sa kaniyang 20 koleksyon. Kinilala ng Komikon ang kaniyang husay bilang isang dibuhista nang manalo siya ng dalawang award noong 2006. Ang kaniyang likhang karakter na si Polgas ay napili bilang Best Character at si Medina naman bilang Best Humor Artist.

Si Pol ay ikinasal sa kaniyang maybahay na si Susan at sila ay may tatlong anak: sina Maia cecilia, Eladio Jose at Pablo Jose.

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.