Pista y Dayat

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang ‘’’Pista’y Dayat’’’ ay salitang Pangasinan na nangangahulugang pista ng dagat. Ito ay taunang pagdiriwang na isinasagawa tuwing buwan ng Abril hanggang Mayo sa Lingayen, Pangasinan. Karaniwang tumatagal ng dalawang linggo ang selebrasyong ito. Ang pista ay bilang pasasalamat sa masaganang kabuhayang ipinagkakaloob ng dagat sa mga residente.

Pagsisimula

Ang Pista’y Dayat na marahil ang pinaka-engrandeng pagdiriwang sa probinsiya ng Pangasinan. Hindi na lang ito kasiyahan sa iisang bayan kundi isang malaki at mahalagang okasyon para sa mga Pangasinense. Bilang bahagi ng selebrasyon, mayroong parada ng siyam na ipinagmamalaking pista sa probinsiya: Ang Puto Festival ng Calasiao, Pandan Festival ng Mapandan, Mango at Bamboo Festival ng San Carlos, Galicayo Festival ng Manaoag, Longganisa Festival ng Alaminos, Sugpo Festival ng Binmaley, Binongey Festival ng Anda, Sawali Festival ng Labrador at ang Pista’y Dayat ng Lingayen.

Layunin rin daw ng pagdiriwang na imulat ang mga Pangasinense at iba pang Pilipino tungkol sa kultura, musika, sayaw at sining ng Pangasinan.

Mga Aktibidad

  • Parada sa dagat
  • Konsyerto sa Gulpo
  • Grand Orchestra Showdown
  • Pansasayawan, Panturugtugan dancesport fest
  • Patimpalak sa pagkanta nang solo
  • Sarswela tan turban
  • Panangidayaw Trade, Tourism, Food, and Garden Fairs
  • Ating Yaman photo contest and artscape
  • Tianggehan sa Pista’y Dayat
  • Limgas na Dayat beauty contest
  • Pagalingan sa boxing
  • Magpalipad Tayo kite-flying competition
  • Ipahayag sa Layag boat painting competition
  • Palaro sa Lahi concert and variety show
  • Buhay sa Buhangin sand-sculpting competition

Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.