Pista ng Saging

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang Pista ng Saging ay ginaganap tuwing ika-18 hanggang ika-19 ng Marso sa Baco, Oriental Mindoro upang ipagdiwang ang kasaganahan ng ani ng saging. Itinatanghal dito ang iba't ibang uri ng saging tulad ng Señorita, Latundan, Lacatan at Saba. Kasabay din ng selebrasyon na ito ang kapistahan ng patrong si San Jose.

Tampok sa pagdiriwang na ito ang isang paligsahan sa pagluto ng mga putaheng may sangkap na saging. Mayroon ring pagsasayaw sa mga kalsada kung saan ang suot ng mga kalahok ay gawa sa mga materyales na nagmula sa saging. Nagkakaroon rin ng beauty pageant.

Ipinagdiriwang ng lalawigan ng Negros Occidental ang Pista ng Saging tuwing unang linggo ng Abril partikular na sa munisipalidad ng La Castellana. Ang pagdiriwang ng pag-aani ay nag-uumpisa sa unang araw ng Abril.

Ipinagdiriwang naman ang Pista ng Saging sa Davao del Norte tuwing unang linggo ng Hulyo kasabay ng anibersaryo ng lalawigan. Ang selebrasyong ito ay nagbibigay halaga sa pangunahing produkto ng probinsya.

Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.