Pista ng Pili
Ang Pista ng Pili ang pangunahing pista sa Sorsogon na ipinagdiriwang mula ika-20 hanggang ika-29 ng Hunyo. Kasabay nito ang pagdiriwang ng pista nina San Pedro at San Tiago, mga patron ng Sorsogon.
Pili
Itinatampok ng pista ang puno ng pili na likas na tumutubo sa Sorsogon. Tinatawag rin ang puno na "The Majestic Tree" dahil sa iba't ibang gamit ng bawat bahagi nito tulad ng ugat, katawan ng puno, sanga, dahon, dagta at bunga sa industriyal, komersyal at nutrisyunal na aspeto. Kilala ang puno ng pili sa kanyang bunga. Malimit itong hinahanap ng mga internasyonal na pagawaan ng matatamis. Kilala rin ito na may mas mataas na kalidad kaysa almonds o macadamia nuts.
Pagdiriwang
Ang pangunahing tampok sa pista ay ang pagparada ng mga mananayaw sa kalsada na ipinapakita ang iba't ibang gamit ng pili habang nakasuot ng makukulay na kasuotan.
Sanggunian
- Sorsogon's Festivals Sorsogontourism.com (Hinango 8 Hunyo 2010)
- Sorsogon Festivals Sorsogonboard.com (Hinango 8 Hunyo 2010)
- Philippine festivals (Hinango 8 Hunyo 2010)
Pagkilala
![]() |
Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi. |