Pista ng Pahoy-Pahoy

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang Pista ng Pahoy-Pahoy ay isang ritual na gingawa ng mga taga-Calbiga, Samar, tuwing ika-25 ng Mayo. Ayon sa kanilang alamat, ang mga pahoy (scarecrow) ang mga nagtaboy sa mga ibon na kumakain ng kanilang mga pananim na palay, kaya ang pagdiriwang ay bilang isang pasasalamat ng mga tao rito. Sa ngayon, ang pagdiriwang ay naging parte na ng tradisyong Kristiyano ng taunang pista ng bayan.

Ang Alamat ng Pahoy

Ang pista ng pahoy ay hango sa isang alamat na pinaniniwalaan ng mga taga-Calbiga. Ang alamat na ito ay isang istoya ng tagumapay at may kalakip na mabuting aral. Base sa alamat, malaki ang papel na ginagampanan ng pagtatanim ng bigas sa buhay ng tao sa bayan ng Calbiga, ito ay nagsisilbi nilang pagkain at ang pinagkukunan ng kanilang ikinabubuhay. Ang mga taniman ng bigas ay nakaaakit sa mga ibon na kumakain nito, ang mga ibong ito ay kinilalang mga maya. Ang patuloy na pagkain dito ng mga ibon ang sumira sa mga palayan at nagdulot ng tag-gutom sa buong bayan. Ang mga tao ay humanap ng paraan kung saan mapapaalis o mabubugaw nila ang mga ibon sa kanilang palayan at nang hindi na ito makapinsala. Ang mga pahoy (scarecrow) and kanilang nakitang solusyon. Itinataboy ng mga ito ang mga ibon na nais kumain ng kanilang mga pananim. Simula noon, pinaniniwalaan na ng mga tao roon na ang mga pahoy ay mga espiritong nagtataboy ng mga ibon at taga-pagbantay ng kanilang palayan. DAhil dito, taon-taong nagdiriwang ang mga tao bilang pasasalamat sa kanilang dakilang mga pahoy.


Ang Pagdiriwang

Parte na ng tradisyon ng mga taga-Calbiga , Samar and pagdiriwang, ito ay para sa Diyos ng kalikasan, ngunit sa ngayon, ito ay naging parte na ng paniniwalang Kristiyano ng mga tao. Ito ay naging taunang pagdiriwang kung saan ang mga mamamayan galing sa iba't-ibang barangay ay gumagawa ng mga higanteng pahoy. Tampok sa pagdiriwang ng pista ng pahoy-pahoy ang mga malahiganteng pahoy na ito na gawa sa mga katutubong materyales at isinasayaw sa mga kalye habang tumutugtog ang mga instrumentong gawa sa kawayan, lata at bato, ito ay pinaniniwalaang nagtataboy ng mga maya. Kasabay rin nito ang mga mananayaw na nakasuot kagaya ng pahoy at may mga makukulay na palamuti sa kanilang damit. Sa katapusan ng parada, ang may pinakamagadang pahoy na sumisimbolo sa konsepto ng alamat ang tatanghaling panalo.


Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.