Pista ng Magayon

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang Pista ng Magayon ay isang pagdiriwang na ginaganap taon-taon tuwing Mayo bilang isang pagaala-ala sa Alamat ng Bulkang Mayon. Ang pistang ito ay nagmula sa pangalang magayon na ang ibig sabihin ay maganda sa tagalog. Ang selebrasyong ding ito ay bilang pagbibigay parangal kay Nuestra Señora de la Porteria, ang patron ng Daraga. It ay isang maalamat, makasaysayan at ralihiyosong pagdiriwang na naglalayong buhayin and kultura ng mga mamamayan ng Daraga, Albay.

Ang Alamat ng Bulkang Mayon

Ang Pista ng Magayon ay ipinagdiriwang upang alalahanin ng mga mamayan ng Daraga ang alamat ng Bulkang Mayon. Ang alamat na ito ang nagsasalaysay sa kwento ng pag-ibig ng isang magandang dalaga na nag ngangalang Daragang Magayon na taga-Bikolandia o Kabikolan, bago pa man ang pagkakahiwalay ng Pilipinas sa isla ng Asia. Noong mga panahong iyon, mahigpit na ipinagbabawal ang isang babae na taga Kabikolan na mag-asawa ng hindi naninirahan sa kanilang lugar. Si Daragang Magayon ang pinkamagandang babae sa kanilang nayon at siya ay iniibig ng isang mayamang tagaroon na nagngangalang Paratuga. Ngunit, kahit na masugid na ang panliligaw ni Paratuga sa dalaga ay hindi pa rin niya makuha ang puso nito dahil ayaw ng dalaga ang ugali ng manliligaw, at ang puso niya ay nabihag na rin ng isang tagalog na nagngangalang Panganoron na isang Tagalog. Alam ni Daragang Magayon na bawal ang kanilang pag-iibigan kaya ito'y sinabi liya sa kanyang ama, na bagaman nasaktan ay nangako pa ring tutulungan ang dalaga.

Sa kabilang banda, pinagplanuhan ni Paratuga ang pagpapadakip sa ama ni Daragang Magayon upang mapilitang magpakasal ang dalaga sa kanya. Nang pinadukot na ni Paratuga ang ama ng dalaga at ito ay umabot sa kanyang kaalaman, dalidali si Daragang Magayon na nagpunta sa bahay ni Paratuga upang kunin ang ama at pumayag magpakasal. Ang balita tungkol sa kasalan ay mabilis na kumalat hanggang sa umabot ito sa kaalaman ni Panganoron. Nang malaman niya ito, naisip niya na ang innibig ay hindi papayag na magpakasal sa ibang lalaki kung hindi ito napilitan, kaya nagplano ang binata na sugurin si Paratuga at sakupin ang Kabikulan.

Sa araw ng kasal nila Paratuga at Daragang Magayon naganap ang paglusob ng hukbong binuo ni Panganoron. Sa kasawiang palad, tinamaan ng ligaw na palaso si Daragang Magayon at nasaksak sa likod si Panganoron habang tangan ang bangkay ng kanyang iniibig. Ang pangyayaring iyon ay nagbigay ng kalungkutan sa buong lugar.

Si Daragang Magayon ay inlibing kasam ang kanyang mga gamit at ang bigay kaya na galing kay Paratuga. Napansin nalang ng mga mamamayan roon na unti-unting tumataas ang lupa sa lugar na pinaglibingan kay Daragang Magayon hanggang sa maging isa itong matayog na bundok na ngayon ay kinikilalang Bulkang Mayon.

Mga Paniniwala

Pinaniniwalang ng mga taga Daragang na ang mga ulap at ang ang ulan na magdalas na tumatabing sa tuktok ng bulkan ay ang ispirito ni Panganoron na humahalik at nagbabantay sa libingan ni Daragang Magayon, at ang ulan na siyang nagbibigay ng tubg sa mga halamang tumutubo sa paligid ng bulkan. Ang mag ingay naman at mga nagbabaksakang bato mula sa bulkan ay pinaniniwalaang nagmumula kay Paratuga na pinipilit na kuhaning muli ang kanyang mga ibinigay kay Daragang Magayon.

Sa ngayon, ang pangalan ng bulkang Mayon ay nagmula Magayon at ang pangalan ng lugar na Daraga ay nagmula sa Daragang na ngalan ng dalaga sa

Ang Pista

Ang pagdiriwang ay kinatatampukan ng iba't-ibang mga kaganapang pang kultura, isports at mga pamilihan. Isa ito sa mga paraan kung saan ang kultura ng mga mamamayan roon ay patuloy na binubuhay at naipapamalas sa mga dumadayo roon sa panahon ng pista. Sa mga iba't-ibang akitibidad sa panahon ng pagdiriwang ang pinakasentro ng pansin ay ang pagsasadula ng alamt ng Bulkang Mayon at ang pag-ibig at kamatayan ni Dagarang Magayon.

Panlabas na Kawing

Mga Sanggunian

  • "Albay Festivals." Tourism. (Hinango noong 16 July 2007)
  • "Legend of Mount Mayon." Anastacio C. Canciller. Tourism. (Hinango noong 25 April 2008)