Pista ng Banig

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang Pista ng Banig ay isang taunang pagdiriwang na ginaganap sa Badian, Cebu tuwing ika-5 ng Hulyo. Tampok sa pagdiriwang ang kultura, tradisyon at produkto ng mga Cebuanong Badianganon.

Pagdiriwang

Itinatampok sa pagdiriwang ang banig na pangunahing produkto ng Badian. Kabilang rin sa pagdiriwang ang isang parada kung saan ang mga kalahok ay may kasuotang gawa sa banig at nagsasayaw habang binabagtas ang mga daan sa bayan ng Badian. Mayroon ding kumpetisyon sa pangkatang pagsayaw para mapili ang magiging kinatawan ng bayan sa Pasigarbo sa Sugbo, ang timpalak para sa iba't ibang grupo ng mananayaw sa lungsod ng Cebu.

Isa rin sa mga inaabangang bahagi ng pagdiriwang ang paligsahan ng ganda at talino ng mga piling dilag sa isang pageant.

Banig

Walumpung porsyento ng mga asawa ng mga magsasaka sa Badian ang naghahanap-buhay sa pamamagitan ng paggawa ng banig, isang higaang gawa sa dahon ng pandan. Ginagamit rin ang banig para magdisenyo ng bag, dekorasyon, pamaypay at iba pang katulad na kagamitan.

Badian

Itinatag ang bayan ng Badian noong 1764. Nagmula ang pangalang “Badian” sa salitang “badyang,” na tumutukoy sa halamang sagana ang pagtubo sa nasabing bayan.

Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.