Pinay, wagi sa Brazil

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Nagkamit ng tatlong ginto at isang tansong medalya ang Pilipinang si Patricia Llena sa 2009 World Sub-Junior at Junior Powerlifting Championships sa Ribeirao Preto, Sau Paulo, Brazil noong ika-8 ng Setyembre.

Ang labinlimang taong gulang na atleta ay lumaban sa unang pagkakataon sa isang internasyonal na kumpetisyon, kung saan natalo niya si Llena si Talybova Yana ng Russia na tatlong taon ng kampeon sa nasabing isport gayun din ang limang iba pang kalahok sa J18 6-kg. Dibisyon.

Si Llena ang kaisa-isang kinatawan ng bansa para sa nasabing kumpetisyon. Bago pa man makasali sa internasyonal na kumpetisyon ay nanalo na si Llena at tinaguriang pinakamalakas na babae sa Pilipinas sa National Powerlifting Competition na idinaos noong 2008.

Patricia Llena

Nagsimula ang hilig ni Llena sa pagbubuhat noong siya ay nasa edad na 4. Nakakaya na niyang magbuhat ng mga weight plates na may timbang na dalawampung kilo noong siya ay apat na taong gulang pa lamang. Pagdating niya ng walong taong gulang ay nakaya na niyang magbuhat ng nasa 95 na kilo at sa edad na 15 ay naging pinakabatang manlalaro sa Asya na nakapagbuhat ng 175.5 na kilo.

Sinabi ni Llena na katulad ng ibang isport, importante ang disiplina sa weightlifting. Simula ng pagtungtong niya sa gulang na 11, naging mas masusi na ang pag-eensayo niya lalo pa at nagbabago ang bigat ng timbang na kanyang binubuhat ayon sa kanyang sariling timbang. Nagsimula naman siyang lumahok sa mga propesyonal na kumpetisyon noong siya ay 14 na taong gulang.

Dahil na rin sa katotohanang lumaki siya sa pamilya na may maigting na pananampalataya sa Kristiyanismo at sa pagkakaroon niya ng isang amang pastor, nakagawian na ni Llena na iukol ang araw ng Linggo para sa pagtuturo sa mga nakababatang miyembro ng kanilang simbahan. Isang tipikal na bata rin kung maituturing si Llena, bagama't may pambihirang talento sa weightlifting. Pangarap niyang maging unang Pilipinang mag-uuwi ng gintong medalya sa weightlifting sa Olympics.

Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.

Kategorya:Wiki-Balita