Pinakbet

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search
Pinakbet (Picture from ([1]).

Ang Ilokos ay kilala dahil sa kanilang masarap na Pinakbet na sinangkapan ng talong, maliliit na ampalaya at bagoong isda. Sa Vigan, ito ay sinasahugan pa ng hiniwang bagnet (ang lechon kawali ng mga Ilokano).

Ang Pinakbet ay ang tradisyonal na pagkain ng mga Ilokano.

Pagluluto

Sangkap

  • 1 tasang liempo na hiniwang pakuwadrado
  • mantika
  • 2-3 kutsarang bagoong isda o ayon sa panlasa
  • 1 tasang tubig
  • 1 katamtamang laki na ampalaya, inapat na hiwa
  • 3 pirasong talong, inapat na hiwa
  • 5 pirasong okra, hinati
  • 4 na pirasong kamatis, hiniwa
  • 1 maliit na sibuyas, hiniwa
  • 1 maliit na luya, hiniwa

Proseso

  1. Pagmantikain ang liempo sa kawali at itabi pansamantala.
  2. Sa kaserola, pakuluin ang bagoong isda at tubig.
  3. Idagdag ang baboy at mga gulay.
  4. Lutuing maigi.

Panlabas na Kawing

Sanggunian

  • Sarap Pinoy: Mga Lutuing Pilipino. Pasig City: Anvil Publishing Inc., 1995.

Template:Katiting

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.