Pilipino Funny Komiks

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Isa sa mga sumikat na komiks sa Pilipinas ang Pilipino Funny Komiks. Maraming kabataan ang pinatawa at tumangkilik nito simula noong 26 Hunyo 1978. Isa itong fully-colored na komiks na naglalaman ng iba’t ibang serye ng mga nakaaaliw ngunit may kabuluhang kuwento. Ito ay nailathala ng Islas Filipinas Publications, Inc, isang dibisyon ng Atlas Publications, na pagmamay-ari ni Don Ramon Roces.

Komedyang may aral ang paksa ng mga kuwento sa Pilipino Funny Komiks. Dahil ang komiks ay ibinatay sa buhay ng mga Pilipino, ipinapakita sa komiks ang maraming katangian ng mga Pilipino tulad ng pagiging masayahin, matulungin, mapagmahal sa pamilya, pagsunod sa nakatatanda, at iba pa.

Ang sumusunod ay tatlo lamang sa mga sikat na tauhan sa Pilipino Funny Komiks na kinaaliwan ng mga kabataan:

  • Combatron – Nilikha ito ni Berlin Manalaysay na nagtatampok kay Empoy, isang batang ulila. Binigyan siya ng kapangyarihan ng isang nilalang mula sa planetang Omnicron at tinawag na Combatron.
  • Niknok – Si Niknok ay isang makulit ngunit masayahing bata na may iba’t ibang nakaaaliw na kuwento na nilikha ni Pat V. Reyes.
  • Superkat – Ito ay obra ni Leandro S. Martinez na nagtatampok sa isang pusa na binigyan ng kapangyarihan ng diwata upang maging isang superhero.

Sanggunian

“Pilipino Funny Komiks (1978–2004).” Pilipino Komiks Blogspot, 25 Pebrero 2008. http://pilipinokomiks.blogspot.com/2008/02/pilipino-funny-komiks.html. Accessed 31 Marso 2021.

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.