Philippine Press Institute

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang Philippine Press Institute (PPI) ay isang samahan ng mga pahayagan sa bansa. Ito ang itinuturing na pinakamatandang professional media organization sa Pilipinas.

Ang PPI ay isang non-stock, non-profit na pribadong organization na may layuning ipaglaban ang kalayaan sa pagpapahayag at ipalaganap ang ethical standards sa pamamahayag. Kilala rin ang samahan bilang isang pambansang asosasyon ng mga pahayagan.

Unang itinatag ang PPI noong 1964 at muling binuhay noong 1987 matapos pansamantalang mawala noong panahon ng diktadurya ni dating pangulong Ferdinand E. Marcos mula 1972 hanggang 1986. Muli itong binuhay noong ika-3 ng Hulyo, 1986 at naging incorporation sa ilalim ng batas noong ika-8 ng Hunyo, 1987.

Kinakatawan ng PPI ang interes ng mga mamamahayag at mga pahayagan. Kabilang sa mga miyembro nito ang karamihan sa mga pahayagang pambansa at panlalawigan sa Pilipinas.

Kabilang sa mga aktibidad ng grupo ang pagkakaroon ng mga training program at iba pang aktibidad para sa mga mamamahayag na Pilipino.

Mga Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.