Philippine Online Chronicles

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Kung nais ninyong mabása ang tekstong nakasulat sa Ingles, pindutin ang Philippine Online Chronicles

Ang Philippine Online Chronicles (www.thepoc.net), o mas kilala sa tawag na POC, ay isang online publication na naghahayag ng mga balita na may iba't ibang perspektiba. Binabase ng POC ang bawat balitang inilalahad nito mula sa iba't ibang pananaw upang magkaroon ng balanseng pananaw. Hindi nito ikinukulong ang sarili sa mga namamayaning ideya bagkus binibigyang-diin nito ang mga boses na hindi masyadong naririnig tulad ng mga blog, pahayagan ng mga estudyante, at mga alternatibong pahayagan.

Ang POC ay bahagi ng adbokasiya ng Vibal Foundation Inc. na pinangungunahan ni Gaspar A. Vibal. Ang lahat ng artikulong matatagpuan sa POC ay nakakawing sa WikiPilipinas.org at sa iba pang proyekto ng Foundation, ang Filipiniana.net at E-turo.org.[1] Ito ay itinayo noong 20 Hunyo 2008.

Pangunahing channels

Gumagamit ang POC ng Web 2.0. Pinahihintulutan nito ang mga mambabasa na ilahad at talakayin ang kanilang sariling pananaw sa paksa. Bukod pa rito, may mga tampok na video at podcast na matatagpuan sa loob ng sayt. Maari rin silang magsumite ng mga larawan at artikulo.

Pangunahing channels

Bukod sa balita, tampok rin sa POC ang mga kwento at lathalaing tungkol sa politika, pinansiya, palakasan, shobis, panitikan, moda, kultura, panitikan, at teknolohiya. Kasama rito ang “Politi-Ko”(pulitika), “Pera-Isipan”(pinansiya), “Sportacular”(isports), “Sosyal!” (shobis), “Metakritiko”(mga pagsusuri), “Buhay Pinoy” (kultura), “Lintech”(teknolohiya), “Wellness” (kalusugan), at “Fashion and Beauty” (moda).

Espesyal na mga channel at proyekto

Tampok din sa POC ang mga proyektong natatangi sa mundo ng Internet. Ang mga channel na ito ay may mga natatanging adbokasiya at tema, kagaya ng:

Kasalukuyang mga proyekto

  • Parokya sa Web – Mga repleksyon at analisis ng aktibistang pari na si Roberto Reyes sa mga napapanahong isyu sa punto-de-bista ng progresibong pananampalataya.
  • Blogwatch- Pinagsanib na proyekto ng mga batikang bloggers upang bantayan ang pambansang halalan noong 2010, ang administrasyon ni Pangulong Benigno Aquino III, at iba pang isyung pampulitika.
  • Pinoy LGBT- Ang kauna-unahang online channel hinggil sa mga bakla at tomboy, o kilala rin bilang lesbians, gay, bisexual, and transgender (LGBT).
  • Pinoy Romansa- Kinatatampukan ng mga kapana-panabik na mga romantikong nobela.
  • Love Advice- Dito sasagutin ni Lady S ang mga katanungan at problema hinggil sa pag-ibig at romansa.
  • Year in POCus- Ito ay lumalabas taon-taon at nagsisilbing repaso ng POC sa mga balita at kaganapan sa nakalipas na taon.

Nakalipas na mga proyekto

  • 10 for 2010- Ito ang nagsilbing sarbey ni Father Robert Reyes at ng kaniyang grupong Kubol Pag-asa kung saan pinapipili ang mga mambabasa ng sampung taong kuwalipikado para maging Presidente ng Pilipinas.
  • Booklat- Proyekto ng POC upang maisulong ang kultura ng pagbabasa sa Pilipinas.
  • NSPC- Tampok ang mga artikulo ng mga estudyanteng mamamahayag sa elementarya at hayskul nanalo sa National Schools Press Conference noong 2010.
  • AES 2010- Tampok ang praymer ng University of the Philippines Law Center at POC hinggil sa awtomatikong sistema ng halalan noong Mayo 2010 (Automated Election System, o AES).

Mga patnugot

  • Fidelis Tan
    • Punong patnugot
  • Maureen Hermitanio
    • Kapatnugot
  • Noemi Lardizabal-Dado
    • Patnugot ng Lathalain at ng Blogwatch
  • Eva Callueng
    • Patnugot ng Pinoy LGBT
  • Myrna Co
    • Patnugot ng Buhay Pinoy
  • Lizette Aissa Lanuzo
    • Patnugot ng Beauty and Fashion
  • Nheslaine Eval
    • Katuwang na kawani

Sanggunian

  1. About us: Philippine Online Chronicles binisita noong: 23 Hunyo 2011


Panlabas na kawing

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.