Philippine Journalists Inc.

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang Philippine Journalists Inc. ay isang kumpanyang pangmedya sa Pilipinas. Ang pahayagang People's Journal ang pangunahing pahayagan nito.

Itinatag ang PJI noong 1972, sa parehong taong idineklara ni dating pangulong Ferdinand E. Marcos ang martial law. Noong 1986, kinuha ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) ang lahat ng pagmamay-ari ng kumpanya sa hinalang pagmamay-ari ito ni Benjamin "Kokoy" Romualdez at bahagi ng ill-gotten assets ng pamilya. Si Romualdez ay nakababatang kapatid ni Imelda Marcos. Noong 1991, ipinag-utos ng Korte Suprema na ibalik ang 80 porsyento ng pagmamay-ari ng PJI matapos hindi mapatunayan ng PCGG ang ikinaso nito kay Romualdez. Tuluyang naibalik ang kumpanya noong 2004 kay Rosario Olivarez at pitong iba pang indibidwal na may kaugnayan kay Romualdez.

Naitatag ang pahayagang People's Journal noong Oktubre 1978.

Mga Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.