Philippine Daily Inquirer

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang Philippine Daily Inquirer ay pang araw-araw na pahayan at may 2.7 milyong mambabasa araw-araw. Ito rin ang pinagkakatiwalaang sanggunian hinggil sa mga di-mabilang na pagbubulgar at makatotohanang balita. Kinilala ng mga lupong nagbibigay ng gawad tulad ng Catholic Mass Media Awards, Jaime Ongpin Awards for Investigative Journalism, at Anvil Awards, ang pahayagang ito ay may pinakamaraming nakamit na parangal at papuri.

Ang PDI ay may apat na kagawaran, 130 korespondiyente ng pahayagan sa buong bansa, at apat na limbagan mula sa Cebu, Davao, Laguna at Maynila. Mabilis maghatid ng balita at mas epektibo ito kaysa sa iba pang pahayagan. Ang websayt nito na www.inquirer.net ay kahanay sa mga madalas bistahin na sayt sa buong mundo.

May siyam na seksiyon ang PDI para sa mga kabataan, paslit, kultura, komunidad at mahilig sa golf. Ang paglilimbag nang libre nitong pahayagan na tinatawag na Inquirer Libre ay nagkamit ng dalawang parangal mula sa Gold Quill Awards of Excellence, at nakatulong sa pahayagan ngayon upang mapalawak ang bilang ng mga mambabasa nito.

Pinag-Ugatan

Itinatag ang PDI noong mga huling araw ng 1985. Katulad ng mga sinundang Mr. and Mrs. Special Edition at ang linggohang Philippine Inquirer, ito ay nagkaroon ng importanteng papel sa paglalahad ng makasaysayang Aklasang Bayan sa EDSA; at dahil sa malaking pangangailangan na magkaroon ng isang kapani-paniwala at alternatibong pahayagan na lalaban sa tatlong pahayagan na kontrolado ng gobyerno.

Si Gng. Eugenia D. Apostol, tagapamahala ng Mr. & Ms. Publishing Co., kasama ang grupo ng mga tao sa midya ay ang nag-organisa ng INQUIRER upang matustusan ang pangangailangan sa mapagkakatiwalaang pahayagan. Nais ni Gng. Apostol na magkaroon ng pahayagan na malaya sa impluwensiya ng mga taong may sariling pakinabang.

Nagsimulang maglimbag ang INQURER noong 9 Disyembre 1985 at nakabenta ng 30,000 kopya. Ibinandera ng unang isyu ng INQUIRER na layon nitong maglahad ng kasaysayan nang may tapang at katapatan.

Sa giba-gibang gusali sa Port Area, Maynila nanahan ang pahayagan na binubuo ng 40 editor, reporter, korepondiyente, potograpo, at iba pang empelyado na nagtratrabaho sa 100 metro kuwadradong kuwarto. Si Louie Beltran ang siyang naging kauna-unahang punong editor.

Ilan sa mga Parangal

  • Honorable mention for Best Opinion Writing - Juan Mercado
  • Society of Publishers in Asia (Sopa) 2005 Editorial Excellence Awards
  • Child-Friendly Newspaper of the Year (Philippine Daily Inquirer)
  • 4th Unicef-PPI Child-Friendly Newspaper and Journalist Awards, 2005
  • Outstanding Column on Children award (Michael Tan)
  • 4th Unicef-PPI Child-Friendly Newspaper and Journalist Awards, 2005
  • Second Runner-up, People and Development category( Ma. Diosa Labiste)
  • 2nd Developing Asia Journalism Awards (Daja), 2005
  • Honorable Mention, People and Development category ( Jofelle P. Tesorio)
  • 2nd Developing Asia Journalism Awards (Daja), 2005
  • Best Columnist for Excellence in Population Reporting. (Rina Jimenez David)
  • 2004 Global Media Awards
  • Gold Quill Award of Merit for Issue Management (Cannes Lions in

Manila, 2004)

  • Gold Quill Award of Merit for Special Project Design (Guyito, 2004)
  • Catholic Mass Media Award(CMMA) 2004 Best Opinion Column - Get Real by Solita Monsod Rotary Club of Manila Newspaper of the Year, 2004
  • Gold Quill Award of Excellence for Economic, Social and Environmental Development ( Inquirer New Paper Drive , 2004; Inquirer’s Youth Readership Program, 2003)
  • Anvil Award of Merit for Public Affairs Management and Communications (Inquirer New Paper Drive , 2004)
  • Anvil Award of Merit for Institutional and Corporate Programs (Inquirer’s Youth Readership Program, 2004)
  • Newspaper Association of America Honorable Mention for Advertising, Circulation and Marketing Excellence, 2003

Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.

Philippine Daily Inquirer Philippine Daily Inquirer