Philippine Clean Air Act

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang Philippine Clean Air Act (Republic Act 8749) ay isang batas na naglalayong panatilihing malinis at ligtas ang hanging nilalanghap ng mga mamamayan. Layunin din ng batas na ito na mabawasan o tuluyang ipagbawal ang mga gawaing nagpapadumi sa hangin. Naisabatas ito noong ika-23 ng Hunyo, 1999 sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Joseph Ejercito Estrada.

Layunin ng Batas

Ayon sa batas na ito, mas kailangang bigyang-pansin ang pagpapatuloy ng mga gawain na nagpapalinis ng hangin kaysa sa mga gawaing pagpapadumi ng malinis na na hangin. Ang batas na ito ay nagsasaad din na hindi lamang ang pamahalaan ang may katungkulan na panatilihin ang linis ng hangin, maging pati ang mga pampublikong mamamayan ng bansa. Kasama sa batas na ito ang pagpaplano ng mga paraan upang epektibong mawaksi ang mga sanhi ng mduming hangin at maghanap ng mga paraan upang mabawasan ang polusyon sa hangin.

Mga Kagawarang Nagpapatupad ng Batas

Ang Department of Environment and Natural Resources (Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman) ang pangunahing ahensiyang magpapatupad ng batas na ito. Maghahanda rin ang ahensiya ng National Air Quality Status Report para gamiting batayan ng mga polisiya at regulasyong ipapatupad alinsunod sa batas. Makikipag-ugnayan rin ang DENR sa Department of Transportation (Kagawaran ng Transportasyon) para bantayan ang mga sasakyan para masigurong hindi makakadagag sa polusyon ang usok mula sa mga ito. Magbubuo naman ng isang National Research Development Program ang Department of Science and Technology (Kagawaran ng Agham at Teknolohiya) para pag-aralan ang mga maaring gawing para maiwasan at mabawasan ang polusyon sa hangin. Gayundin, sisiguruhin ng Department of Energy (Kagawaran ng Enerhiya) na hindi makakadagdag sa polusyon ang mga pinagmumulan ng enerhiyang ginagamit sa bansa.

Mga Sanggunian


Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.