Philippine Association of Secretaries and Administrative Professionals, Inc.

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Template:Infobox Organization

Ang Philippine Association of of Secretaries and Administrative Professionals, Inc. ay isang di-gobyernong organisasyon ng mga Katuwang na Tagapagpaganap, Kalihim, at Administratibong Propesyonal na mula sa iba't ibang sektor ng establisimyentong pangkalakal sa Pilipinas. May aktibo itong mga sangay sa Cebu, Davao, Iligan, Cagayan de Oro, at Leyte.

Deskripsyon

Ang Philippine Association of Secretaries and Administrative Professionals, Inc. ay kasapi ng International Association of Administrative Professionals na nakabase sa Lungsod Kansas sa Estados Unidos. Ito ay narehistro sa Securities and Exchange Commission noong 7 Marso 1958.

Ang pangunahing layunin ng organisasyong ito ay ang magkaroon ng forum na magbibigay ng pagkakataong makapagpalitan ng mga idea, matalakay ang pangangailangan at matugunan ang mga suliranin ng propesyon, at higit sa lahat ang mapangasiwaan ang personal at pam-propesyonal na pag-unlad ng bawat miyembro nito.

Noong 1979, nilagdaan ni dating Pang. Ferdinand Marcos ang Proklamasyon Bilang 1253 na nagsasaad na ipagdiriwang ang "Linggo ng mga Kalihim sa Pilipinas" tuwing huling linggo ng Abril.

Bisyon

Kahusayan sa paglilingkod sa administratibong propesyon.

Misyon

Maging pangunahing institusyon para sa mga ehekutibong kalihim at propesyonal na may superyor na kahalagahan bilang tao, magandang imahen, natatanging galing, at impluwensiya.

Sanggunian

  • Hango sa isinulat ni Escoba, Lyn B. Philippine Association of Secretaries and Administrative Professionals. 100 Centennial Celebration - Feminist Movement in the Philippines 1905- 2005. Lungsod Quezon: Vibal Publishing House, Inc., 2005. (noong 3 Marso 2008)

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.