Pedro Escuro

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Pedro B. Escuro (1923 – ) ay kilala sa kanyang kontribusyon ukol sa Genes ng mga halaman at pagpapatubo nito (Plant Breeding) tulad ng palay. Siya ay pinarangalang "Pambansang Siyentipiko" para Genetic at Plant Breeding noong 1994.

Ipinanganak sa Nabua, Camarines Sur noong Agosto 2, 1923. Nakapagtapos siya ng magna cum laude sa kursong Bachelor of Science in Agriculture major in Agronomy sa Unibersidad ng Pilipinas sa Los Baños, Laguna] noong 1959. Natapos niya ang kanyang Master's Degree (Masters of Science in Plant Breeding) mula sa Unibersidad ng Cornell noong 1964, at doctorate degree (Ph.D. Genetics and Plant Breeding) mula sa Unibersidad ng Minnesota sa Estados Unidos noong 1969. Nagawaran siya ng Doctor of Science, Honoris Causa sa Unibersidad ng Pilipinas noong 1979.

Kilalang premyadong plant breeder si Dr. Escuro, iskolar at guro. Ang kanyang mga pananaliksik ang naglunsad sa pagkakaroon ng mga magagandang uri ng bigas katulad ng classic C4-63 na marami kung anihin, matibay laban sa mga sakit at pesteng insekto, masarap kainin at nagsilbing halimbawa at sukatan ng mataas na uri ng bigas, hindi lamang sa Pilipinas, kundi maging sa maraming bansa sa Asya.

Pagkilala

Wikipedia.png Hinango sa Wikipedia ang nilalaman ng pahinang ito na nagmula sa Pedro Escuro. Ang talaan ng mga may-akda ay makikita sa pahina-kasaysayan. Kahalintulad ng Wikipedia, binibigyang-pahintulot ng WikiFilipino ang muling paggamit at pakikinabang sa mga nilalaman nito sa ilalim ng GNU Free Documentation License. Basahin ang kumpletong pagtatanggi/pagtatatwa.