Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Upang basahin ang artikulong ito sa Ingles, tingnan ito.

Pederalismo ung Dugong Dakilang Samahan reg and acred.jpg

Ang Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan (PDDS) ay isang partidong politikal opisyal na kinilala ng Commission on Elections (COMELEC) noong 30 Oktubre 2018. Ang partido ay itinatag ni Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) President Greco Belgica.

Ayon kay Belgica, ang mga kasapi ng partido ay mga orihinal na tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte noong ito ay tumakbo sa pagkapangulo noong eleksiyon 2016. Ang pangunahing layunin ng partido ay maipatupad ang pederalismo sa Pilipinas.

Pagsisimula

Noong 30 Abril 2018, naghain ng petisyon ang grupong Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan (PDDS) sa pangunguna ni Greco Belgica sa COMELEC upang opisyal na kilalanin ang kanilang partido para sa halalan 2019.

Ayon kay Belgica, ang kanilang partido na binubuo ng mga orihinal at lehitimong tagasuporta ni Pangulong Duterte ay nais opisyal na kilalanin bilang partido upang mapalaganap ang kanilang adbokasiya—ang maipatupad ang pederalismo sa bansa at maipagpatuloy ang kampanya ni Duterte laban sa korupsiyon, kriminalidad, iligal na droga, at terorismo.

Sa isang pahayag, sinabi ni Belgica na sa halalan 2019, sina Presidential Secretary Bong Go at noon ay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Assistant Secretary Mocha Uson ang kanilang mga susuportahang kandidato sa senado.

Noong 30 Oktubre 2018, opisyal na kinilala ng COMELEC ang partido. Si Belgica ang naging pangulo ng PDDS, si Atty. Eduardo Bringas naman ang tagapangulo, at si Glendon Badon ang secretary-general.

Mga kandidato sa ilalim ng PDP-Laban at Hugpong ng Pagbabago ang sinuportahang kandidato ng partido para sa posisyon sa senado. Si Eduardo Gadiano naman ang may pinakamataas na posisyong napanalunan na mula sa PDDS. Siya ay nahalal bilang gobernador ng Occidental Mindoro.

Halalan 2022

Sa isang pahayag noong Hunyo 2021, inilahad ni Belgica na suportado pa rin nila si Duterte sa mga ieendorso nitong mga kandidato at kung tatakbo rin ito sa halalan 2022. Sa nagdaang termino ni Duterte, malaki pa rin umano ang kompiyansa nila sa pangulo kaya naman pinili nilang suportahan ito upang mapagpatuloy sa susunod na anim na taon ang nasimulan ng kasalukuyang administrasyon.

“Ano man ang kalabasan ng magiging desisyon ng ating mahal na Pangulo Rodrigo Roa Duterte ay buong puso namin itong susuportahan sampu ng aming mga kasamahan sa Pederalismo ng DuGOng Dakilang Samahan (PDDS). Ang aming kumpiyansa sa mahal na Pangulo ay hindi matatawaran kaya’t sino man ang kanyang pilin na posibleng magtutuloy ng kanyang magandang nasimulan sa kanyang administrasyon ay walang pasubali naming ibibigay ang aming suporta gaya ng aming ginagawa kay PRRD.”

Noong Setyembre 2021 naman, opisyal na inilabas ng PDP-Laban ang kanilang opisyal na nominasyon kina Senador Bong Go at pangulong Duterte bilang kandidato sa pagkapresidente at bise presidente. Kasama rin si Belgica bilang guest candidate.

Mga sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.