Paz Marquez Benitez

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Paz Marquez Benitez ay isang Filipinong manunulat at patnugot. Kilala siya sa pagsusulat ng mga maikling kuwento tungkol sa panahon ng mga Amerikano sa Pilipinas. Kilala siya sa kaniyang mga sinulat na "Dead Stars" at "A Night in the Hills".

Ipinanganak si Paz Marquez Benitez noong ika-3 ng Marso 1894 sa bayan ng Lucena sa Tayabas (ngayon ay Quezon). Nag-aral siya sa Unibersidad ng Pilipinas sa Maynila at naging guro sa parehong unibersidad.

Kilala si Paz Marquez Benitez hindi lamang sa pagiging manunulat, kundi maging sa pagiging isang edukador. Kasama ang kaniyang asawang si Francisco Benitez, itinatag nila ang Philippine Educational Magazine, isang magasin para sa mga guro.

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.