Paz Arguelles Abasolo

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Paz Arguelles Abasolo ay isang kilalang edukador, social worker, community leader at pinuno ng Girl Scouts.

Talambuhay

Ipinanganak si Abasolo sa Ivisan, Capiz noong ika-20 ng Enero, 1899, bunso sa mga anak nina Telesforo Arguelles at Abdulia Quiachon. Nagtapos siya ng pagka-guro sa Unibersidad ng Pilipinas. Ipinadala siya bilang iskolar sa National Catholic School of Social Service sa Washington, D.C. noong 1926. Nagtapos siya ng master's degree mula sa University of America at nagkaroon ng Diploma in Social Work noong 1928 mula sa National Catholic School on Social Service, kung saan niya unang nasubukan maging isang Girl Scout.

Sa kaniyang pagbabalik sa Pilipinas noong 1928, nagturo si Abasolo sa Capiz High School. Matapos ang dalawang taon, pinakasalan niya si Maximino F. Abasolo, isang guro na nakilala niya sa Washington. Habang nagtuturo sa Capiz, bumuo siya ng isang grupo ng Girl Scout, at kabilang sa mga kasapi nito sina Felipa Belo, Mary Andrada at Mary Ubas. Siya ang kinikilala bilang unang Filipinong Girl Scout leader na nagtatag ng isang grupo.

Naging tagapangulo rin siya ng Catholic Women's League, the Women's Club at Legion of Mary. Siya rin ang naging unang dekana ng College of Education ng Divine Word University sa Tacloban City.

Noong 1955, nagdesisyon ang pamilya na lumipat sa Maynila. Nang makapagtapos na ang kaniyang mga anak, nagdesisyon si Abasolo na magbukas ng isang boarding house sa España Street.

Mga Sanggunian

  • De Guzman, Jovita V., Vicente A. Santiago, Remedios T. de Leon, and Teresita E. Erestain. 1967. Women Of Distinction: Biographical Essays on Outstanding Filipino Women of the Past and the Present. Philippines: Bukang Liwayway.

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.