Partido ng Repormang Pantao

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang Partido ng Repormang Pantao (PRP) o People’s Reform Party sa English ay ang partidong politikal ni dating Senador Miriam Defensor-Santiago na naitatag noong 12 Abril 1991. Ito ay kasalukuyang pinamumunuan ni Atty. Narciso Santiago, biyudo ng dating senador.

Halalan 2022

Noong Hulyo 2021, ipinahayag ng People’s Reform Party ang kanilang pagsuporta kay Davao City Mayor Sara Duterte kung ito ay tatakbo sa pagkapangulo sa Halalan 2022. Muli ring pinagtibay ng partido ang pakikipag-alyansa nito sa Hugpong ng Pagbabago. Naniniwala si Atty. Narciso Santiago na may kakayahan si Duterte na ipagpatuloy ang mga adbokasiya at prinsipyo ni dating Senador Miriam Defensor-Santiago.

Sanggunian

Zacarian Sarao. “Miriam Defensor-Santiago’s PRP backs Sara Duterte’s potential presidential run.” Inquirer.net, 7 Hulyo 2021. https://newsinfo.inquirer.net/1456837/miriam-defensor-santiagos-prp-backs-sara-dutertes-potential-presidential-bid-in-2022. Accessed 13 Setyembre 2021.

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.