Partido Federal ng Pilipinas

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Upang basahin ang artikulong ito sa Ingles, tingnan ito.

Ang Partido Federal ng Pilipinas (PFP) ay isang baguhang partidong politikal sa Pilipinas na opisyal na kinilala ng Commission on Elections (Comelec) noong 5 Oktubre 2018 na may 1.5 milyong miyembro sa buong bansa. Tinatayang 300 miyembro nito mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang nagwagi noong Halalan 2018. Ang mga ideolohiya ng PFP ay maaaring maugat sa mga federalista na sina Pedro Paterno at Trinidad Pardo de Tavera. Itinatag ito bilang paghahanda sa Halalan 2022. [1] [2]

File:PartidoFederalNgPilipinas2021Logo.png
Logo ng Partido Federal ng Pilipinas (2021)

Ang pagkakatatag ng PFP ay bunga ng pagsasama-sama ng mga organisasyong sumusuporta sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte. Mauugat din dito ang pagkakabuo ng Hugpong ng Pagbabago na itinatag ni Sara Duterte-Carpio. [3] Noong 11 Nobyembre 2021, nagpasa ng resignasyon si Duterte-Carpio sa Hugpong ng Pagbabago at nanumpa bilang bagong kasapo ng Lakas–CMD. [4]

Halalan 2022

Noong 5 Oktubre 2021, nanumpa si dating Senador Bongbong Marcos bilang miyembro at chairman ng PFP. Kasunod nito ang pag-anunsiyo ng partido na opisyal nilang kandidato si Marcos sa pagkapangulo sa Halalan 2022.[2]

Noong 9 Nobyembre 2021, binawi ni Duterte-Carpio ang kaniyang kandidatura bilang alkalde ng Lungsod Davao. [5]

Noong 11 Nobyembre 2021, nagpasa si Duterte-Carpio ng resignasyon sa Hugpong ng Pagbabago at nanumpa naman bilang bagong kasapi ng Lakas–CMD. Siya rin ay naging chairman nito nang ialok ni Senador Bong Revilla ang iniwang posisyon sa partido. [6]

Noong 13 Nobyembre 2021, nagpasa ng kaniyang certificate of candidacy si Duterte-Carpio bilang pangalawang pangulo. Nagkaroon ng alyansa sa pagitan ng mga partido nina Marcos at Duterte-Carpio kaya sila ang magkatandem para sa Halalan 2022. [7]

Mga Opisyal

Si dating Senador Bongbong Marcos at kumakandidato bilang pangulo sa Halalan 2022 ang chairman ng partido. Tumatayong executive vice president at general campaign manager nito ang abogadong si Victor D. Rodriguez. [2]

Kabilang pa sa mga opisyal nito sina Gobernador Reynaldo S. Tamayo ng South Cotabato (pangulo); retiradong Gen. Thompson C. Lantion (kalihim); Antonio C. Rodriguez (pangalawang pangulo para sa Luzon); Carlito E. Ceniza (pangalawang pangulo para sa Visayas); Assam M. Ulangkaya, (pangalawang pangulo para sa Mindanao); Manuel D. Andal (VP for political affairs; George S. Briones (general counsel); Lino A. Dumas (national legal officer); Antonio G. Marfori (national treasurer); Edgardo A. Acaba (national auditor); Julius Caesar O. Aguiluz (sergeant at arms); Patricio N. Roman (senior political adviser); at Saidah T. Pukunum (chairman of the international affairs). [2]

Mga Sanggunian

  1. “Partido Federal fortifies itself for the 2022 elections.” Business Mirror, 19 Setyembre 2021. https://businessmirror.com.ph/2021/09/19/partido-federal-fortifies-itself-for-the-2022-elections/. Accessed 17 Nobyembre 2021.
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 Javier Joe Ismael. “Bongbong Marcos takes oath as chairman of Partido Federal ng Pilipinas.” The Manila Times, 5 Oktubre 2021. https://www.manilatimes.net/2021/10/05/news/bongbong-marcos-takes-oath-as-chairman-of-partido-federal-ng-pilipinas/1817215. Accessed 17 Nobyembre 2021.
  3. Angie dela Cruz. “Partido Federal ng Pilipinas , pormal nang inilunsad sa QC.” Pilipino Star Ngayon, 8 Oktubre 2021. https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/metro/2018/10/09/1858454/partido-federal-ng-pilipinas-pormal-nang-inilunsad-sa-qc. Accessed 17 Nobyembre 2021.
  4. Bea Cupin. “Sara Duterte joins Lakas-CMD.” Rappler, 11 Nobyembre 2021. https://www.rappler.com/nation/elections/sara-dutete-joins-lakas-cmd-party-november-2021. Accessed 17 Nobyembre 2021.
  5. “Ngayong hapon wini-withdraw ko...” Mayor Inday Sara Duterte Official Facebook page, 9 Nobyembre 2021.https://www.facebook.com/MayorIndaySaraDuterteOfficial/posts/785673032276910. Accessed 17 Nobyembre 2021.
  6. Bea Cupin. “Sara Duterte joins Lakas-CMD.” Rappler, 11 Nobyembre 2021. https://www.rappler.com/nation/elections/sara-dutete-joins-lakas-cmd-party-november-2021. Accessed 17 Nobyembre 2021.
  7. Neil Arwin Mercado. “Inday Sara accepts Lakas-CMD chairmanship.” Inquirer.net, 17 Nobyembre 2021. https://newsinfo.inquirer.net/1516400/inday-sara-accepts-lakas-cmd-chairmanship. Accessed 17 Nobyembre 2021.