Parokya ni Edgar

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search
Parokya ni Edgar
ParokyaniEdgar.jpg
Uri: Alternative rock, Novelty, Funk, Experimental
Pinagmulan: Lungsod Quezon, Pilipinas
Taong aktibo : 1993 – kasalukuyan
Label: Universal Records
Kaugnay: KamikazeePupil (band)Comic ReliefSuperloojThe Teeth (Filipino band)YanoFrancis MagalonaGloc9Apo Hiking SocietyEraserheads
URL: Ang Opisyal na Site ng Parokya ni Edgar
Mga Miyembro:
Mga Dating Miyembro:
Natataging Instrumento:

Upang basahin ang artikulong ito sa Ingles, tingnan ang Parokya ni Edgar.

Ang Parokya ni Edgar isang banda mula sa Pilipinas na nabuo noong 1993 mula sa isang grupo ng mga mag-aaral mula sa Ateneo de Manila High School. Nakilala ang banda sa kanilang mga orihinal na musikang rock novelty, at mga awiting parody na hinango sa iba pang sikat na mga kanta.

Kasaysayan

Unang tinawag sa pangalan na Comic Relief ang bandang binubuo nina Chito Miranda, Jeric Estaco, Vinci Montaner, Mikko Yap at Gab Chee Kee. Nakilala ang banda matapos silang mabigyan ng pagkakataong tumugtog bilang opening number sa isang concert ng Eraserheads. Dahil dito, idinagdag nila sa banda ang drummer na si Dindin Moreno at ang bahista na si Buhawi Menses. Inimbitahan ng grupo si Darius Semaña para maging pangunahing gitarista ng banda nang nagdesisyon sina Estaco at Yap na hindi na ituloy ang pagbabanda.

Pinalitan rin nila ang pangalan ng kanilang banda at ginawang “Parokya ni Edgar”. Sinasabing nagmula ito sa sagot ni Estaco sa tanong kung saan nag-aral ang ama ng karakter na si Crisostomo Ibarra sa nobelang Noli Me Tangere.

Noong 1990, naging regular ang pagtugtog ng banda sa Club Dredd, isang sikat na club sa Maynila nang panahong iyon. Nakilala sila ng managing editor ng Universal Records na si Bella Dy Tan at binigyan sila ng kontrata. Sumikat at napakinggan sa radyo ang kanilang mga awiting “Buloy”, “Trip” at “Lutong Bahay”. Noong 1996, umabot sa 120,000 ang nabentang kopya ng kanilang album na ‘’Khangkhungkherrnitz’’. Noong 1997, inilabas nila ang kanilang ikalawang album, ang ‘’Buruguduystunstugudunstuy’’ na naging kasingsikat rin ng nauna nilang album. Noong 1999, nakatanggap sila ng Viewers’ Choice Award mula sa MTV sa New York.

Noong 2002, inilabas ng banda ang kanilang album na ‘’Edgar Edgar Musikahan’’, kung saan kabilang ang kanilang awiting “Halaga” na lalong nagpasikat sa banda. Noong 2003, naging sikat rin ang kanilang awiting “Mr. Suave” na bahagi naman ng album na ‘’Bigotilyo’’.

Noong 2004, inilabas ng banda ang isang compilation album ng kanilang mga awitin para sa kanilang ika-11 anibersaryo. Noong 2012, inilabas ng grupo ang ikalawang compilation DVD album na ‘’Inuman Sessions Vol. 2’’. Bago matapos ang taon, opisyal na umalis si Montaner sa banda. Noong 2013, sa ika-20 anibersaryo ng banda, inilabas nila ang kanilang ikalabintatlong album, ang ‘’Bente’’. Pansamantalang bumalik si Montaner para sa album na ito.

Noong 2015, nagkaroon ng concert sa iba’t ibang siyudad sa Estados Unidos ang grupo. Inilabas rin nila ang kanilang album na ‘’Pogi Years Old’’ sa parehong taon, kung saan muling kasama si Montaner bilang isang featured artist. Opisyal na inilabas ang album noong ika-16 ng Oktubre, 2016, na siya ring araw ng pagbalik ni Montaner sa banda.

Mga Miyembro

  • Alfonso Miranda - lead vocals
  • Francis “Vinci” Montaner – back-up vocals
  • Gabriel Chee-Kee – rhythm guitars, vocals
  • Darius Semaña – lead guitars
  • Buhawi Meneses - bassist
  • Ferdinand “Dindin” Moreno – drums, percussion

Mga Diskrographiya

Mga Studio Albums

  • Khangkhungkherrnitz (1996)
  • Buruguduystunstugudunstuy (1997)
  • Gulong Itlog Gulong (1999)
  • Edgar Edgar Musikahan (2002)
  • Bigotilyo (2003)
  • Halina Sa Parokya (2005)
  • Solid (2007)
  • Upcoming 11th Album (2009)

Mga Paskong Album

  • Jingle Balls Silent Night Holy Cow (1998)

Mga Compilation Album

  • Matira matibay: PG-13 (Singles 1994-2007) (2007)

Mga Live Albums

  • Inuman Sessions Vol. 1 (2004)

Mga Kollaborasyon

  • Akustic Natin (Universal Records, 2004)
  • Akustic Natin Vol. 2 (Universal Records, 2004)
  • The Best Of OPM Acoustic Hits (Universal Records, 2005)
  • The Best Of OPM Love Ballads (Universal Records, 2005)
  • Pinoy Ako (Star Records, 2005)
  • OPM Superstars Christmas (Universal Records, 2005)
  • Superbands (Universal Records, 2005)
  • Kami nAPO muna (Universal Records, 2006)
  • OPM Gold Christmas Album (Universal Records, 2006)
  • The Biggest OPM Hits Of The Year SUPER (Universal Records, 2006)
  • Bandang Pinoy, Lasang Hotdog (Sony BMG Music Philippines, Repackaged 2006)
  • Kami nAPO muna ulit (Universal Records, 2007)
  • Pinoy Biggie Hits Rewind (Star Records, 2007)
  • Level Up: The Album (Star Records, 2007)
  • OPM Platinum Christmas (Universal Records, 2007)
  • Another Biggest OPM Hits Of The Year SUPER 2 (Universal Records, 2007)
  • Pinoy Biggie Hits Vol. 3 (Star Records, 2007)
  • Astig...The Biggest Band Hits (Universal Records, 2008)

Mga Kommersyal Endorso ng Parokya

  • AMA Computer University
  • Buddy Crackers
  • Chippy
  • Jollibee
  • Mang Tomas All-Around Sarsa
  • Mitsubishi Adventure
  • Nescafe 3-in-One Coffee
  • Rexona Deoderant
  • San Miguel Beer (Christmas Commercial)
  • Touch Mobile

Mga Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.