Parada ng Lechon

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang Parada ng mga Lechon ay itinatanghal tuwing ika-24 ng Hunyo, taon-taon, sa Balayan, Batangas. Ang parada ay upang ipagdiwang ang pista ni San Juan Bautista, ang patron ng mga taga-Balayan, sa pamamagitan ng pagbibihis sa mga lechong baboy at pagpaparada nito sa buong bayan.

Ang pagbibihis sa lechon ay babatay sa temang paghahandaan ng bawat organisasyon, baranggay na makikilahok sa pagdiriwang. Sa gabi bago ang parada, pinipili at pinaparangalan ang magwawaging binihisang lechon at tataguriang 'lechon queen'. Sa mismong araw naman ng bago ang parada'y isang misa ang isasagawa sa Simbahan ng Immaculada Concepcion.

Pagkat ang buong parada ng mga lechon na iba't ibang ang bihis ay isang katuwaan at pagdiriwang sa ngalan ni San Juan Bautista, hindi maiiwasan ang pagsasabuyan ng tubig at alak ng mga manonood sa kapwa manonood. Gayon din, ilang manonood din ang bigla na lamang kukurot sa lechon—mas nagiging kapanapanabik ito ang buong parada kapag may nagtatagumpay na makakuha ng kahit katiting na piraso ng lechon. Ngunit madalas, sumasapat na ang pagkamangha sa panonood ng pagdaan ng mga binihisang lechon. Nawiwisikan din ng tubig ang mga ipinaparadang lechon maging ang mga nagdadala nito. Sa pamamagitan ng parada'y naipapahayag ng mga taga-Balayan ang kanilang pagiging malikhain.

Ang mga tagapanood ng parada'y wiling pagsasaluhan ang mga lechon makatapos ang parada.

Kaalinsabay ng parada ng mga lechon sa Balayan, Batangas ang katulad ding pagdiriwang nito sa Mindoro Oriental.

Panlabas na Kawing

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.