Paputok

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang paputok ay isang tradisyon ng mga Pilipino tuwing sasapit ang bagong taon. Nakuha ang tradisyong ito mula sa mga Intsik na gumagamit ng mga paputok tuwing Chinese New Year.

Bagaman ipinagbabawal ang paggamit ng paputok bilang pagsalubong sa bagong taon, hindi na ito matatanggal sa tradisyon ng mga Pilipino.

Ilan sa mga kilalang uri ng paputok na ginagamit ng mga Pilipino ang sumusunod:

  • Kuwitis – Ang kuwitis ay may hugis na kawangis ng isang rocket. Ang unang kwitis ay ginawa ng isang paring Espanyol sa Sta. Maria, Bulacan at ginamit ito bilang pampagising sa mga taong bayan bago mag-umpisa ang simbang gabi. Tinuruan niya kung paano gumawa nito si Valentin Sta. Ana na itinuro naman sa kanyang mga anak ang paraan ng paggawa nito. Hindi naglaon ay nanguna ang kanilang pamilya sa industriya ng paggawa ng paputok sa Pilipinas.
  • Watusi – Kilala ang paputok na ito sa mga kabataan. Kasing nipis at liit ito ng mga palito ng posporo ngunit kulay pula. Ikinikiskis ang mga ito sa isang magaspang na bagay at lumilikha ng tunog at kaunting ilaw.
  • Sinturon ni Hudas – Isa itong mahabang uri ng paputok.
  • Super Lolo – Parang bomba kung ituring ang lakas ng pagputok na ginagawa ng Super Lolo. Ang mga malapit sa lugar na pinangyayarihan ng pagputok ay maaaring magkaroon ng pansamantala o permanenteng pagkawala ng pandinig.
  • Bawang – Ang Bawang ay isang uri ng paputok na gawa sa pulburang ibinalot sa kardbord at tinalian ng hibla ng abaca sa hugis ng bawang.
  • Fountain – Gawa ito sa karton na hugis kono at nagsisilbing “bukal” ng mga ilaw kapag sinindihan.
  • Roman candle – Hugis kandila ang mga ito na bumubuga ng maliliit na ilaw kapag sinindihan.

Tradisyon na ang mag-ingay bilang pagsalubong sa Bagong Taon. Subalit muli't muli pa ay ipinaaalala sa mamamayan ang kaukulang pag-iingat upang maiwasan ang masaktan at maaksidente dahil sa mga paputok. Tandaan lamang na maaari namang ipagdiwang ang bagong taon sa paraang ligtas at masaya.

Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.


Paputok