Panukalang Paninirahan sa Hilagang Borneo

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang New Calamba (Nueva Calamba) ang panukalang bayan na nais itatag ni Jose Rizal sa Borneo sa panahon matapos ang gulo sa hacienda ng mga Dominikano sa Calamba.

Naisipan ni Rizal ang pagtatatag ng New Calamba matapos matalo ang mga magsasaka sa kaso nila laban sa mga prayleng Dominikano, na naging dahilan ng pagpapalayas sa kanila sa lugar.

Unang naisip ni Rizal ang pagtatatag ng isang bayang Filipino sa Hilagang Borneo habang nasa Hong Kong. Base sa isang liham na ipinadala niya kay Ferdinand Blumentritt nong ika-23 ng Pebrero 1892, nais ni Rizal na makapagtatag ng isang kolonya sa Hilagang Borneo para doon ilipat ang kaniyang pamilya. Magtatayo siya ng isang bayang agrikultural. Ipinahayag rin ni Rizal ang kaniyang opinyon na mas maayos ang pamamahala ng mga Briton sa kanilang mga kolonya tulad ng Hong Kong, kumpara sa pamamalakad ng mga Espanyol sa Pilipinas.

Sumulat si Rizal kay Gobernador-Heneral Eulogio Despujol noong ika-21 ng Marso, 1892, kung saan niya ipinaliwanag ang kaniyang planong pagtatayo ng bayan sa Hilagang Borneo. Hindi nagtagumpay ang plano ni Rizal nang sumang-ayon si Despujol sa kaniyang panukala.