Pangasinan

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang Pangasinan ay isa sa mga lalawigang nabuo pagkaraang dumating sa Filipinas ang mga Kastila. Lingayen ang kabisera ng lalawigan. Ito ay pormal na ipinahayag na isang lalawigan noong panunungkulan ni Goberbador-Heneral Ronquillo de Peñalosa noong 1850. Ang pangalang Pangasinan ay nangangahulugang "lupa ng asin" o "lugar ng paggawa ng asin"

Demograpiya

Lungsod

  • Alaminos
  • Urdaneta
  • Dagupan
  • San Carlos

Munisipalidad

Agno, Aguilar, Alcala, Anda, Asingan, Balungao, Bani, Basista, Bautista, Bayambang, Binalonan, Binmaley, Bolinao, Bugallon, Burgos, Calasiao, Dasol, Infanta, Labrador, Laoac, Lingayen, Mabini, Malasiqui, Manaog, Mangaldan, Mangatarem, Mapandan, Natividad, Pozorrubio, Rosales, San Fabian, San Jacinto, San Miguel, san Nicolas, San Quintin, Santa Barbara, Santa Maria, Santo Tomas, Sison, Sual, Tayug Umingan, Urbiztondo at Villasis.

Populasyon

Ang Pangasinan ay mayroong kabuuang 2,434,086 populasyon(Pambansang Tanggapan ng Estadistika). Ang populasyon ng lungsod ng Dagupan ay umabot sa 130,328, habang 154,264 sa lungsod ng San Carlos at 111,582 naman sa Urdaneta. Ang kabesera ng lalawigan ay ang Lingayen na mayroong 88,891.

Wika

Ingles at Filipino ang kadalasang wika dito at ang ginagamit sa pagtuturo sa paaralan.Pangasinense ang ang wikang ginagamit ng mga taong naninirahan sa gitnang bahagi ng Pangasinan at Ilokano ang pangunahing wika sa pinakamalaking bahagi ng lalawigan. Ang Bolinao ay may sariling wika.

Industriya

Agrikultura ang pangunahing industriya ng lalawigan. Ang iba pang prominenteng industriya ay paggawa ng bagoong, mga produktong likhang kamay at paggawa ng mga gamit-pambahay.

Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.

Pangasinan Pangasinan Pangasinan Pangasinan Pangasinan Pangasinan