Pang-ukol
Ang pang-ukol ay bahagi ng pananalita na ipinapahayag ang mga ugnayan sa panahon o lawak (sa, sa ilalim, patungo sa, bago) o pagmamarka sa iba't ibang semantikong pagganap (ng, para sa). Isa itong morpema na nauuna sa mga pangkat na salitang pangngalan at panghalip na nagdudulot ng kaganapan (complement) o pagbabago sa parirala. Kapag ginagamit sa pangungusap, lumalawak ang kahulugan nito sa pamamagitan ng paglalahad ng patutunguhan, sanhi, kinalalagyan, panahon at iba pa.
Sa Grammarng Filipino o English, ang katawagang pang-ukol at iba pang bahagi ng pananalita ay nilikha ni Lope K. Santos na kanyang sinulat sa aklat na Balarila ng Wikang Pambansa. Sa balarilang Ingles, tinatawag ang pang-ukol bilang preposition o postposition (kapag pinagsama ay tinatawag na adposition ngunit mas malawak na kilala bilang preposition lamang). Ang preposition ay nangunguna bago ang kapunuan o complement samantalang ang postposition ay pagkatapos ng complement.
Halimbawa
Ito ang ilan sa mga halimbawa ng mga pang-ukol sa Filipino at Tagalog:
- Ng — nagbigay ng ugnayan sa pagitan ng isang bahagi at ng isang kabuuan. Halimbawa: anak ng bayan
- Sa — inuukol ang isang bagay ay nakakabit at nakasuporta sa isa pang bagay. Halimbawa: kamay sa balikat
- Ni/nina — nagmamarka ng pagmamay-ari o nagmamarka ng pansariling pangalan. Halimbawa: isang pelikulang pinagbibidahan nina Alden at Nadine; bahay ni Jose
- Ayon sa — ginagamit upang iukol ang mga pananalitang tinuran ng isang may kapangyarihan o isang sanggunian. Halimbawa: Ayon sa mga hurado, ako ang nanalo.
- Para sa — ginagamit upang ipahiwatig ang gamit ng isang bagay. Halimbawa: libreng gamot para sa masangsang na Amoy