Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang Pambansang Komisyon sa Kultura at Mga Sining [National Commission for Culture and the Arts] ay nalikha noong 1987 sa bisa ng Kautusang Tagapagpaganap Bilang 118 ni Pangulong Corazon C. Aquino. Naging ganap na batas noong 1992 ang kautusan ng pangulo, nang pagtibayin ng kongreso at lagdaan niya ang Batas Republika 7356. Sinulat nina Senador Edgardo Angara, Heherson Alvarez, Leticia Ramos Shahani, at Kinatawan Carlos Padilla ang orihinal na panukalang batas.

Kabilang sa kapangyarihan ng pambansang komisyon ang sumusunod. Una, bumalangkas ng patakaran para sa pagpapaunlad ng kultura at sining. Ikalawa, makipag-ugnayan at magpatupad ng mga patakaran at programa ng mga kabalikat na ahensiya sa pagpapaunlad ng kultura at sining, alinsunod sa Kautusang Tagapagpaganap Bilang 80. Ikatlo, mangasiwa ng National Endowment Fund for Culture and the Arts. Ikaapat, hikayatin ang artistikong paglikha sa lilim ng kalayaang pansining. Ikalima, paunlarin at itampok ang pambansang kultura at sining ng Pilipino. At ikaanim, panatilihin ang pamanang pangkultura ng Pilipino.

Sanggunian

National Commission for Culture and the Arts, 2007, at mababasa rin sa NCCA Kasaysayan

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.


Pambansang Komisyon para sa Kultura at Mga Sining Pambansang Komisyon para sa Kultura at Mga Sining Pambansang Komisyon para sa Kultura at Mga Sining Pambansang Komisyon para sa Kultura at Mga Sining Pambansang Komisyon para sa Kultura at Mga Sining